Tom, Carla magdyowa na, niloko si Geoff

carla abellana
Next in line ay itong sina Tom Rodriguez and Carla Abellana na feeling pa-cute sa kaliwa’t kanang denial that they are on. Samantalang halatang-halata namang sila na. Ayaw pang aminin.

Baka akala nila ay mga bagets din silang kakikiligan dahil pakiyeme sila palaging mag-friends lang. My gosh! This is not the first time na nakipagrelasyon sila! Someone whispered to us na kahit nu’ng magsyota pa sina Carla and Geoff Eigenmann ay meron nang namumuong something between Carla and Tom.

Kaya nga raw mabilis (echos) na naka-move on si Carla dahil nandiyan agad si Tom na sumalo sa puso niya.  Ang nakakasuya na sa lahat ay itong on and off romance nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Hindi ba napapagod itong si Andi sa kaa-announce sa social media tungkol sa kanyang lovelife? Pati pag-utot nila ni Jake ay hindi na niya pinalalagpas.

Sayang naman ang ganda ng babaeng ito kung parang naghahabol na lang palagi siya sa lalaki.  Hindi pa ba siya natuto sa nakaraan niyang relasyon – nang maanakan siya ni Albie Casino (na hanggang ngayon ay hindi pa inaako ang baby kay Andi)? Heto na naman siya’t wari’y naghahabol sa isang lalaki.

Ilang beses na ba silang naghiwalay? Ilang beses na silang nagkabalikan? Ilang beses na silang nagpapatutsadahan sa social media accounts nila.

Parang pinaglalaruan na nila ang publiko sa mga kadramahan nila sa buhay. Actually nakakapagod na sila. Puwede naman nilang gawing private ang kanilang affair, di ba? Mabuti pa kaming mga bading at may respeto sa salitang PAG-IBIG.

Hindi namin ipinangangalandakan ang mga relasyon namin at kung anu-anong mga nagaganap sa mga buhay namin. Pero sila – gosh! Wala na ba silang natitirang respeto sa mga kaluluwa nila? Kulang na lang pati sexual encounters nila ay ipagbuyangyangan nila.

This cheapens not just the industry pero nakakababa talaga ng moralidad nila. They are using social media para sa mga kalandian nila. Kaya dapat sa mga ito’y kastiguhin.

Stop following these blands. Hindi na maganda sa panlasa natin itong mga kaechosan nila. Yuck na to the max kumbaga. Wow! Feeling bagets din tayo, di ba? Ha-hahaha!

Read more...