Last week, sa isang meeting na late kaming dumating, nakasabay ng ilang kasamahan sa panulat si Robin Padilla na nagpapasalamat sa kanila para tulungan ang anak niyang si Kylie na hindi malapitan ng mga “bangaw”.
May nagtanong kung si Aljur daw ba ay bangaw din sa buhay ni Kylie at si Binoe na ang nag-correct na si Aljur ay isang “bubuyog” so subtle way of saying he approves.
Out of the blue, biglang nag-tweet si Kylie na, “Cute naman ang mga bubuyog, parang si Bumblebee ng Transformers,” so someone must have told The Good Daughter of the little story about her father and the press.
Kahit supposedly na magkahiwalay na ang dalawa, may pagtangi pa si Kylie sa kanyang first showbiz ex and so we’re not surprised kung magkabalikan sila when the right time comes.
Anyways, napakataas pa rin ng Afternoon Prime and The Good Daughter is leading the three afternoon soaps of GMA together with Hiram Na Puso and Broken Vow.
Napanood namin ang tatlong soaps last Friday and all shows, may highlight ang tatlong bidang babae na sina Kris Bernal, Kylie and Bianca King so fiesta of great female characters talaga ang afternoon block ng GMA.
Pinakanakakatuwa si Kylie na nagrerebelde na sa ama niya sa soap na si Raymond Bagatsing.