Sa 2015 magkaka-anak na (2)

Sulat mula kay Eleonor  Poblacion, Kinogitan,
Misamis Oriental
 Dear Sir Greenfield,
1.      Masaya na sana ang pagsasama naming mag-asawa dahil nakakaraos naman kami sa aming mga pangangailagan ay may konting pera pa kaming savings kaya lang ang problema almost four years na kaming nagsasama, until now wala pa po kaming baby.
2.      Kumunsulta na rin kami sa mga espesyalistang doctor pero okey naman daw ang reproductive system namin at walang probema kaya niresetahan na lang kami ng mga vitamin.
Itatanong ko lang po sana kung may pagasa pa kaya kaming magkaanak. Kung mayroon pa, kailan naman kaya ako mabubuntis at kailan kami magkaka-baby, upang mahusto na ang ligaya ng aming pagsasama ng husband ko. May 15, 1981 ang birthday ko at September 18, 1979 naman ang mister ko.
Umaasa,
Eleonor ng  Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing favorable sa inyong mag-asawa na gumawa ng baby sa panahong ito ng Libra. Panayin ninyo ang pagtatalik sa mga panahong ito upang makabuo kayo at lalong mas maganda kung imbis na sa gabi sa tanghaling tapat o kaya’y sa umaga kayo magtalik ng madalas.
Numerology:
Ang birth date mong 15 ay nagsasabing kundi sa taon ding ito ng 2014 tiyak na  mabubuntis ka na upang pag lipas ng 9 na buwan, sa taong 2015, isilang ang malusog at cute na lalaking sanggol.
Physiognomy/Luscher Color Test/Graphology:
Dagdag dito upang mas lalong madaling mabuntis magpaputol ka ng buhok at laging magsuot ng kulay na pula at pilitin mo ring pagkabitkabitin ang iyong sulat kamay. Sa ganyang paraan, mabubuntis ka na hanggang sa tuluyang magka-baby.
Huling Payo at paalala:
Eleonor basta’t sundin mo lang ang mga mungkahing inilahad na sa itaas, at mas maganda din kung itutuon ang pagtatalik sa panahong nasa first quarter hanggang nasa full moon ang buwan sa langit, at makikita mo sa ganyang paraan, may awa si Lord, sa taon ding ito ng 2014 mabubuntis ka, upang pagsapit ng taong 2015 sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, sa edad mong 34 pataas, isang malusog at matalinong sanggol ang isisilang na kukumpleto sa inyong pamilya at lalo pang magpapaligaya sa pagmamahalan niyong mag-asawsa.

Read more...