WE found Coco Martin’s official statement insincere.
Nag-release ng official public apology ang kampo ni Coco written in English and it said that due to language barrier ay hindi siya nakapag-complain. It also said na nag-rehearse lang siya a day before the final fashion show.
For us, it was a lame excuse. He could have contacted his manager para kausapin ang namamahala sa show and tell them about his uneasiness in doing the segment.
Para que pa me manager siya kung hindi naman ito gagawa ng paraan para sa kanya, ‘di ba? Or he could have asked his alalay para sabihin sa production na meron siyang hesitation na gawin ang eksenang iyon.
But he didn’t dahil nahihiya siya na papalitan ang eksena. Masyado kasing mabait si Coco, wala sa pagkatao niya ang tumanggi sa ipinagagawa sa kanya.
Sino ba naman ‘yang mga foreigners na ‘yan, mga dayo lang ‘yan sa ating bansa. Hindi dapat na-intimidate si Coco sa foreigners na nagpatakbo ng show. Not because they speak English ay accomplished na sila’t dapat ilagay sa pedestal.
Coco Martin’s apology could have been more sincere if he MOUTHED it. Sana naroon siya sa presscon niya para magsalita. Ayun, mas magiging sincere pa ang dating ng apology niya.
But probably, Coco is busy taping for his soap kaya wala siya sa sarili niyang presscon. And that SPELLED the DIFFERENCE!!!
Actually, the fashion segment tarnished Coco’s reputation. Sometimes a man with a GOOD HEART can be a victim of some other people’s SHENANIGANS!
At ito namang Gabriela, nakisawsaw kaagad sa issue. Was it because a popular actor is involved? Eh, ano naman kaya ang say nila sa mga babaeng kabit ng mga amoy lupang lalaki? Meron ba silang opinion doon?
Ano naman ang say nila sa mga babaeng ginagamit ang katawan nila para kumita ng pera? Do they CARE? No, they don’t. Wala kasing sikat na involved sa issue. But aren’t that issues more PRESSING than that of a Coco Martin?