Sulat mula kay Eleonor Poblacion, Kinogitan,
Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Masaya na sana ang pagsasama naming mag-asawa dahil nakakaraos naman kami sa aming mga pangangailagan at may konting pera pa kaming savings. Ang problema ay almost four years na kaming nagsasama ay until now wala pa po kaming baby.
Kumunsulta na rin kami sa mga espesyalistang doktor pero okay naman daw ang reproductive system namin at walang probema kaya niresetahan na lang kami ng mga vitamins.
Itatanong ko lang po sana kung may pag-asa pa kaya kaming magkaanak. Kung mayroon pa, kailan naman kaya ako mabubuntis at kailan kami magkaka-baby upang mahusto na ang ligaya ng aming pagsasama ng husband ko? May 10, 1981 ang birthday ko at September 16, 1979 naman ang mister ko.
Umaasa,
Eleonor ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May kaisa-isang Guhit ng Supling o Children Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na medyo natagalan bago ka nag-buntis at nagkaanak, darating at darating din ang takdang panahon na magkaka-baby din kayo.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Jack of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagtatali kayo ng mister mo sa buwang ito ng Oktubre hanggang Nobyembre tiyak ang magaganap. Sa susunod na taong 2015 sa edad mong 34 pataas ay mabubuntis ka hanggang sa tuluyan na kayong magka-baby ng isang malusog at matalinong lalaking sanggol.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.