‘Charice, wala kang dapat sisihin kundi sarili mo!’

CHARICE

CHARICE

NU’NG isang gabi ay meron daw pinost si Charice sa social media account niya regarding her sentiments sa mga kababayan nating mga Pinoy – she wonders why they aren’t as loving as before and seems to be na hindi na proud ang mga Pinoy sa kanya.

Marami siyang tanong tungkol sa tila malamig nang pakikitungo sa kanya ng fans and followers. In short, nagsisintir si Charice – bakit parang hindi na raw niya nararamdaman ang pagmamahal ng mga Pinoy despite all the honors na naiuwi niya sa bansa natin. Bakit puro negative things na lang daw about her ang naibabalita?

You know Charice, maraming bagay na dapat mong balikan para masagot ang mga tanong mo. Kumbaga, what I am saying here is look at yourself at the mirror and ask yourself why at makikita mo ang lahat ng kasagutan for as long as you are willing to admit your shortcomings. Baka hindi ka lang aware sa napakarami mong pagkukulang dala nang tinamasa mong tagumpay.

Isang tagumpay na hindi masyadong na-maximize na dapat sana’y tinatamasa mo pa rin hanggang ngayon.

Isa-isahin natin ang ilang maaaring dahilan kung bakit tinabangan bigla ang mga tao sa iyo. This may include us in some incidents too. Remember when you lost that kiddie singing contest to Sam Concepcion many years ago? If my memory serves me right, just a few days after that ay nag-guest ka sa radio program namin ni Nanay Cristy Fermin noon sa DZMM and we cried with you.

Nanghinayang kami at hindi ikaw ang nanalo dahil we truly believed that you performed better than Sam that time. And we felt that you were such an angel dahil bait na bait kami sa iyo. Then you started to pick up the pieces and got your biggest break when you guested sa show ni Ellen DeGeneres sa US. Lalo pang lumaki ang name mo nang mapunta ka kay Oprah Winfrey.

Then after a few months sa States when Oprah managed you, pag-uwi mo rito, iba na ang tunog ng English mo. Inuwi mo ang American accent dito sa atin na siyang ikinagulat ng iba. Ha-hahaha! Wala namang problema sa amin iyan dahil lahat naman tayo ay nais matuto ng said language. Nakakaaliw lang dahil slang na slang ka na raw at parang di na Pinay.

Ako talaga inaamin kong minahal kita unconditionally at sobrang saya ko nang isama mo ako sa listahan ng mga ninong mo sa binyag. I just felt you then. Na-miss ko yung time na dumaan ka pa sa bahay namin dahil pinagluto kita ng adobo. I just missed that. Pero ganoon talaga. Hanggang tingin na lang ako sa iyo ngayon.

Kahit ako dama kong hirap ka na ngang abutin. There are a couple of times na nakakasalubong kita pero parang hindi mo naman ako ninong – parang wala lang. There was one time na tinawag ko ang name mo at the top of my voice sa ABS-CBN hallwal pero hindi ka talaga lumingon – inisip ko na lang na nagmamadali ka at baka ma-late ka sa guesting mo. Oks lang iyon.

There was a time naman na nagkaharap tayo sandali – yung napadaan lang and I had to go to you and say hello and I felt I was just among those fans. Oks lang iyon kaya inaanak nga kita. Masaya na akong nakita kita that time. I tried to understand. Then I looked for your number and called you for a possible guesting sa maliliit na shows na pinu-produce ko. You referred me to your booking manager pero hindi naman nag-work ang request ko. Kasi nga, fully-booked ka. But I still tried to understand. Ako pa lang ito ha – hindi pa kasama ang sentiments ng marami.

Fans will always be fans Charice. Ang gusto ng mga iyan ay ganoon ka pa rin kahit paano tulad ng una nilang pagkakilala sa iyo.

Then you made your sexuality announced at nabulabog talaga ang sambayanan, and you can’t blame some of your fans na hindi nila matanggap iyon. Meron talaga tayong conservative friends around. Pati yung gulo ninyong mag-anak – yes! It has definitely affected your audience – naguluhan sila sa inyo. Salamat sa Diyos at maayos na uli kayo.

Yes, you made a name sa international scene pero hindi mo naman ito puwedeng ipamukha sa aming mga Pinoy that you did it for us – of course not! Para sa sarili kong kapakanan iyon – to be known and have a better life. Ang kaligayahan na lang namin ay nadala mo ang pangalan ng Pilipinas dahil sumikat ka kahit paano.

Kaya huwag mong isiping kami ang may kasalanan kung bakit ang baba ng self-esteem mo ngayon. Not for anything else, anong pakinabang namin sa iyo, Charice? Sige nga – tell us. So, utang na loob namin ang makita kang nagdya-judge sa X-factor? Sa The Voice? Parte iyan ng karera mo na dapat mong alagaan.

Marami na kaming narinig about you kahit noon pa pero hindi namin ito inilalathala dahil mahal ka namin – may konti pang pagmamahal sa puso namin – lalo na ako dahil inaanak nga kita. Pero ganoon talaga – ikaw mismo ang naglayo ng puso mo sa amin.

Basta kami, as entertainment journalist sa loob ng tatlong dekada, we saw a lot of you come and go pero we’re still here to stay. God bless you, Charice. Sana nga totoong inaanak kita. Sana.

 

Read more...