BALIK-KAPAMILYA network ang komedyanteng si Vandolph Quizon. Kabilang si Vandolph sa cast ng bagong pantaserye ni Direk Wenn Deramas na pinamagatang Wako Wako na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang tinaguriang batang Coco Martin na si Yogo Singh. Kasama rin dito sina Gladys Reyes, DJ Durano, Maricar de Mesa, Malou de Guzman, Dennis Padilla, Carlos Agassi at marami pang iba.
Matatandaan na unang lumabas si Vandolph sa ABS-CBN bilang child star hanggang sa magbinata.
Sa ABS-CBN na talaga lumaki si Vandolph. Inamin naman ng anak ng Comedy King na si Dolphy na sobrang na-miss raw niya talaga ang Kapamilya network.
At ngayong nakabalik na nga siya, lulubus-lubusin na raw niya ang page-enjoy.
Mapapanood si Vandolph and the rest of the cast of Wako Wako sa ABS-CBN araw-araw bago mag-TV Patrol. Narito ang ekslusibo at buong panayam ng BANDERA kay Vandolph.
BANDERA: Gaano ka ba katagal nawala sa ABS-CBN?
VANDOLPH QUIZON: Five years. Sa ABC5 (TV5), two years na ako.
B: Anong naramdaman mo nu’ng makita ang offer ng ABS at isasama ka sa Wako Wako?
VQ: Siyempre, yes agad ang lolo mo dahil ABS-CBN at the same time comedy, si direk Wenn Deramas.
Kumbaga, Comedy Queen naman ang kasama ko ngayon. Kumbaga, nabubuo na.
Dati Comedy King ang kasama ko, ngayon ang Comedy Queen na.
B: Ilang araw bago ka humarap sa entertainement press ay “sumabog” ang damdamin ni Zsa Zsa Padilla dahil sa personal na pinagdadaanan niya sa kalagayan ni Dolphy. Ano ang na-feel mo?
VQ: Oo, napanood ko nga ‘yun. Siyempre, nakakalungkot.
B: May reaksyon ka ba nu’ng mapanood mo si Zsa Zsa na umiiyak sa presscon ng Budoy?
VQ: E, natural lang ‘yun sa isang taong nagmamahal ng lubos. Na ang tagal-tagal mo nang dinala.
Kasi siya ‘yung araw-araw na kasama ni Papa, e. So, ‘pag nahirapan si Papa nakikita niya. Meaning na nahihirapan na, ‘yung mga lakad-lakad kasi old age na si Papa.
Siguro nag-ano, sumabog lang. Ngayon, gumaan na siguro dahil nilabas na niya, e.
B: Kumusta ang relasyon mo kay Zsa Zsa bilang partner ng Papa mo?
VQ: Okey naman. Tita Zsa Zsa is okey ‘coz kita mo naman kung gaano niya kamahal ang tatay ko.
Inaalagaan niya ang tatay ko. Nandiyan po ako para kay Tita Zsa Zsa.
B: Tumanggi si Zsa Zsa na idetalye ang tunay na findings ng doktor kay Dolphy. Katwiran niya ‘di lang naman daw kasi siya ang Kapamilya ni Dolphy.
VQ: Yeah, even me I beg to talk about din sa kalagayan ng Papa ko. Wala namang dapat iyakan actually, e. Dasal lang, prayers, pananalig.
B: Naglalakad ba si Dolphy?
VQ: Oo naman. Nag-aano naman siya, e, therapy. Kasi ang tagal niyang naging bed ridden, e.
Pero okey na, na-therapy. Sinampal na nga ako, e. Nu’ng pumasok ako, I was crying, ‘Bakit ka umiiyak?’ Pak! Sinampal ako.
Last week lang, sa bahay na ‘to. Nagulat ako. Sabi ko sa kanya, ‘Hindi ka nagbabago, ‘Pa.’ He-hehehe. Ganu’n pa rin siya. So, nothing to worry about.
B: For sure, may malaki kayong selebrasyon para sa darating na kaarawan ni Dolphy this year. May plano na ba?
VQ: Yes, malapit na ‘yun. Tingnan natin kung ano ang plano pa ni Tita (Zsa Zsa).
B: Sa presscon din ng Budoy diretsahang sinabi ni Zsa Zsa na nagkasundo na sila ni Dolphy na huwag nang ituloy ang balak nila na pagpapakasal. Alam n’yo na ba ang tungkol dito?
VQ: Ay, diyan po ayaw kong mag-comment. Ayoko na lang makialam diyan kasi buhay nilang dalawa ‘yan, e.
Kasi may pamilya na rin ako, e. Kumbaga kung magpapakasal sila, okey.
Ayokong mag-comment, e. Pero kung, parang mali na kung gagawin pa nila ngayon ‘yun. Ha-hahaha! Nag-comment pa rin ako!
B: Bakit mali?
VQ: Hindi, okey kung gusto pa rin nilang gawin talaga, support ako. Pero bahala sila. Buhay nila ‘yun, e.
B: Pero bakit mo nasabing mali?
VQ: Hindi, mali kasi kung ‘yung timing ngayon, ganu’ng sitwasyon, ‘di ba, hindi tama.
Antayin na lang natin kapag malakas na malakas na ‘yung tatay ko. Pero buhay nila ‘yan. Kung gusto nila ngayon, why not?
B: Ayos lang din naman sa inyong magkakapatid kung matuloy ang plano na pagpapakasal ng Comedy King at ni Zsa Zsa?
VQ: Oo naman, perception ko lang ‘yun. Ako, support pa rin ako, of course.
Tatay ko ‘yan, e. Kung saan masaya ang tatay ko, suportahan taka, ika nga nila.
‘Yung sa mga kapatid ko naman, ah, hindi pa kami nakakapag-usap lately dahil may kani-kanya rin silang ginagawa.
B: Kumusta naman ang family life mo?
VQ: Iba na. Iba na ang ginagawa ko araw-araw. When I do something in one day, kailangan fruitful.
Kasi meron na akong mga bata, e. Dalawa na sila, e. Si Vito (2 years old) at si Kiera (4 years old) ang mga anak ko.
B: Ano ang daily routine mo as a father?
VQ: Ah, eat kami ng sabay-sabay. TV kami sabay-sabay. If they want to go out, iikot ko sila sa park, ‘yung ganu’n lang.
B: Ngayon ba naiisip mo na ‘yung mga dating ginagawa n’yo ng Papa mo nu’ng bata ka pa?
VQ: ‘Yun ang peg ko. ‘Yun ang peg ko talaga, tatay ko. Gusto ko talaga, oo, disciplinarian si Papa.
Pero magaan na disciplinarian. Hindi ka niya paiiyakin ng todo or something. Hindi ako namamalo.
B: Payag ka bang mag-artista ang mga anak mo?
VQ: Kung gusto nila why not? ‘Yung anak ko namang lalaki bibung-bibo, antayin natin.
B: Sino ang kamukha ni Vito?
VQ: Sabi nila kamukha ko, kamukha ni Jenny. Tisoy. Mas pogi sa akin ‘yun. Cute lang ako.
Makikita ninyo ‘yun soon kasi four years old na raw, baka mag-Goin’ Bulilit sabi ni Ms. LT (Linggit Tan, ABS-CBN executive).
Kung gusto niya, kung gusto ng anak ko, okey ako. May dugo na artista, e.
B: May plano na ba kayo ng misis mong si Jenny na dagdagan ang dalawa n’yong tsikiting?
VQ: Ipon muna. Siyempre umpisa pa lang itong Wako Wako.
Sana masundan pa, sana matuwa sa akin ang network, dagdagan pa.
May mga bulilit na ako ngayon at hindi na ako ‘yung pasaway na Vandolph.
Magagalit si Boss Vic (del Rosario, his manager) niyan kapag naging pasaway ako.
B: Masasabi mo ba na nakaipon na kayo ni Jenny for the security of their children?
VQ: Meron na rin naman kahit paano. Nararaos naman sa araw-araw.
Kasi ang importante naman ‘yung para sa mga bata, e. ‘Yung mga daily needs nila.
Usually, ‘yung mga normal na kailangan namin is milk and food for the kids.