SSS PESO fund

KAMAKAILAN lamang ay pormal na inilunsad ang voluntary provident fund program para sa mga miyembro nito.

Ito ay malaking tulong para sa mga regular at voluntary members para makakuha ng mas mala-king income lalo na pagtuntong ng retirement age

Ito ay kilalang SSS Personal Equity and Savings Option o SSS PESO fund. Ito rin ay isang alternative at tax-free investment.
Bukas ang nasabing programa sa lahat ng miyembro na may 55 taon at pababa. Kinakailangan na may anim na buwan na dire-diretsong hulog bago makwalipika sa programa.

Ang mga kwalipikadong miyembro ay maaring magbayad sa halagang P1,000 minimum contribution at maximum na P100,000 kada taon.

Ang 65 porysento ng total fund ay laan para sa retirement habang 35 porsyento ay para sa medical at general purposes. Ang SSS PESO accounts ay mayroon lamang isang porsyentong administration fee kada taon.

Ginagarantiya na ang bahagi ng retirement ay kikita base sa interest rates ng five-year treasury yields habang ang pondo laan para sa medical at general purposes ay magbabase sa 364-day treasury bill rates.

Ang SSS PESO fund ay maaari namang i-withdraw sa petsa ng retirement o total disability ng SSS member o pupwedeng ilagay sa monthly pension sa loob ng 12 months at P1,000 payment kada buwan. Maaari rin itong i-lump sum o kumbinasyon ng dalawa.

Kung nais naman na i-withdraw, maaaring gala-win ang bahagi ng equity o 35 porsyento na laan para sa medical at general purposes. May kaakibat naman na penalty at service fees kung kukunin ang salapi nang wala pang limang taon.

Kung sa hindi naman inaasahan ay namatay ang miyembro bago ang maturity ng PESO savings o expiration ng pension period, ang benipisyaryo ng miyembro ang tatanggap nito alinsunod na rin sa death benefit na ibibigay ng lumpsum.
Sa darating na Disyembre ng taong kasalukuyan ang formal implementation nito. Ang SSS PESO fund at salig na rin sa section 4(a)(2) ng Social Security law.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...