JERICHO: Bigla akong natameme! | Bandera

JERICHO: Bigla akong natameme!

- March 11, 2012 - 03:31 PM

Nu’ng una niyang makita si Kim Jones

NAGMAMADALING umalis ng ABS-CBN si Jericho Rosales after his interview sa The Buzz last Sunday.

Magkikita raw kasi sila ng anak niya na si Santino.

But just the same we managed to asked him tungkol sa bago niyang girlfriend, ang 24-year-old model and TV host na si Kim Jones.

Last December sa libreng concert ni Echo bilang pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa Marikina, unang nagpakita ng presensya niya sa showbiz ang bago niyang GF.

Pero tumanggi munang magbigay ng pagkakakilanlan sa bago niyang inspirasyon nu’ng tinanong namin siya sa backstage after his concert sa gitna ng umaambon-ambon na panahon.

Pero nangako naman sa amin si Echo na ibibigay niya ang exclusive story ng kanilang love story sa The Buzz Magasin kapag ready na sila.

‘Yan ang ‘di namin kinalimutan simula nu’ng mga oras na ‘yun hanggang ngayon.

Kaya nu’ng makausap namin si Echo ay muli namin ipinaalala ang mga sinabi niya sa amin.

Umaasa naman siyempre kami na may isang salita si Echo ‘di lang tanda ng kanya ng pagiging tunay na lalaki kundi na rin dahil isa siyang disente at matinong tao.

Anyway, kuwento ni Echo sa The Buzz last Sunday,  ipinakilala sa kanya ng asawa ni Dominic Ochoa na si Denis Go ang bagong syota ni Echo sa kanya during a commercial shoot.

“Parang stunned ako. Parang natameme ako! Hindi ko alam ang gagawin ko,” lahad ni Echo.

Nais naman naming batiin si Echo sa karangalang natanggap niya sa Ani ng Dangal National Award for Cinema from NCCA (National Center for Culture and Arts) for his victory sa Newport Beach Film Festival para sa pelikula niyang  “Subject I Love You.”

Ginanap ang paggawad ng parangal kay Echo sa Malacañang with 13 awardees ay mula sa industrya ng pelikula na gaya nina Jeffrey Jeturian, Loy Arcenas, Gym Lumbera at Auraeus Solito.

Sinuportahan naman si Echo ng kanyang ama at lolo na dating stage actor nu’ng tanggapin ng aktor ang kanyang award sa Palasyo.

Nominated din si Echo sa 28th Star Awards for Movies bilang Best Actor for the movie “Yesterday Today Tomorrow.” Gaganapin ang ang 28th Star Awards for Movies on March 14, 5 p.m., sa Meralco Theater sa Ortigas Center, Pasig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

By: Julie B. Gaspar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending