KUNG tila dedma si Claudine Barretto sa pagkamatay ng nanay ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago, buong-buo naman ang suporta ng mga kapatid niya sa nagluluksang Kapuso actor.
Hindi lang kami sure kung nagbago ang isip ni Claudine na huwag nang pumunta sa wake ng yumaong ina ni Raymart, pero habang isinusulat namin ay wala pa rin kaming nababalitaan na nag-text man lang ang aktres sa kahit kaninong miyembro ng pamilya Santiago para ipaabot ang kanyang pakikiramay.
Pero hindi na nagulat ang mga kaanak at kaibigan ng aktor na dumalaw sa lamay ni Mrs. Cielito Legaspu-Santiago sina Gretchen at Marjorie sa La Salle Greenhills noong Sabado ng gabi.
Alam naman kasi ng lahat na kampi kina Raymart, Randy at Rowell ang mga sisters ni Claudine. Marami ang nagkokomento na sana raw ay dumalaw man lang si Claudine sa wake at makiramay dahil ina pa rin ito ng dati niyang asawa, respeto man lang daw sa patay.
Pero may mga netizens naman na nagsabi na huwag na siyang pumunta sa lamay dahil baka magkaroon lang ng gulo. Mas mabuting umiwas na lang siya sa iskandalo.