Tila walang suwerte si Carla Abellana sa movies. Palaging semplang ang beauty niya pagdating sa pelikula. Her latest film was a BIG DISASTER. Wala halos nanood ng “Somebody To Love”. Wala siyang box office appeal.
We feel that she will never be a MARQUEE attraction in her lifetime. Actually, she could be very well called FLOP Princess, the FLOP Queen title being seemingly exclusive to Marian Rivera.
Kung sa soap opera naman, hindi naman phenomenal hits ang kanyang mga teleserye. Pawang mild hits lang ang mga ito although mas nakakaarte naman siyang hindi hamak kay Marian, ‘no!
And look, parang mas sumikat pa sa kanya ang partner niyang si Tom Rodriguez na game show na rin ngayon. Bakit parang mailap ang box office kay Carla? We felt it was because she has an ATTITUDE.
Nararamdaman ng mga tao na masyadong FEELING itong si Carla. Just because she finished college and just because she was a CUM LAUDE ay parang mahirap siyang pakisamahan. Parang ang taas-taas ng lipad niya.
Ang chikang nakarating nga sa amin ay MARAMOT itong si Carla. Ano ba naman ‘yung tulungan niya ang father niyang si Rey PJ Abellana.
Ni hindi nga niya maisip na isama ito sa mga teleserye niya sa GMA, o kahit na ipa-cast man lang niya sa ibang soap ng Siyete. Ni hindi pa yata niya naaabutan ng tulong man lang ang kanyang ama simula nang mag-artista siya. True ba ito Carla, dear?