Nadine, James biglang nag-trending sa buong mundo

james reid
NAG-TRENDING sa buong mundo ang pilot episode ng Wansapanataym special nina Nadine Lustre at James Reid sa ABS-CBN noong Sabado ng gabi.

Ang month-long special ng Wansapanataym Presents My App Boyfie kung saan gumaganap si Nadine bilang si Anika, isang babaeng hindi pa nagkakaroon ng boyfriend ever.

Pero nagbago nga ang takbo ng kanyang buhay nang dumating sa buhay niya si Jowa. S Jowa na ginagampanan ni James Reid ay ang lalaking ginawa lamang ni Anika sa pamamagitan ng isang application sa kanyang tablet computer, na bigla na lamang nabuhay at naging totoong tao.

Throughout the episode, ang hashtag “My App Boyfie Pilot Episode” ay mabilis na nag-trending sa Twitter at naging number 7 pa sa overall worldwide trending topic list.

Pinuri-puri ng netizens ang akting ni Nadine sa programa. Marami rin ang nag-comment na unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan si Nadine at nawawala na rin siya sa anino ni Kathryn Bernardo na laging ikinukumpara sa kanya dahil magkahawig nga sila.

Read more...