“Hindi naman original. Manggagaya na rin lang hindi pa inayos!” Ito ang isa sa mga negatibong reaksyon na nabasa namin sa social media hinggil sa ginawang marriage proposal ni John Prats kay Isabel Oli.
Lumang-luma na raw kasi ang konsepto at kung ilang beses na rin daw ‘yun napanood sa mga TV shows at YouTube bilang isa sa mga bonggang proposals sa mundo.
At dahil ginaya na rin lang daw ni John ito ay nagtatanong ang marami kung bakit hindi pa ito ginawang bongga at nilagyan ng variation para magmukha naman daw expensive at pinag-isipan?
Well, ayon naman sa kampo nina John at Camille (Prats) malaking gastos din ang inabot nila dahil mahirap daw gawing sikreto at i-organize ang mahigit na 300 katao (flash mob).
Three months nga raw nila ‘yun pinaghandaan kasama ng event organizer nila, kaya’t dapat daw na maging happy na lang ang lahat para sa kanila kesa laitin ng bashers.
Hmmm, ano nga ba naman ang pakialam ng iba kung hindi naman sila gumastos at naabala ng naturang flash mob, di ba kapatid na Ervin?