Tuloy ang kasal (2)

Sulat mula kay Erika ng Sto. Nuno, Apas, Cebu City
Problema:
1. Sa next year po ay balak na naming magpakasal ng boyfriend ko, nasa hustong edad nap o kasi kami, 25 years old ako at siya naman ay 28 years old na. Seaman po siya kaya nagdadalawang isip pa din po ako sa ngayon, iniisip ko baka may iba siyang girlfriend sa barko kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo.
2. Gusto ko lang pong malaman ay kung compatible po ba kami ng boyfriend ko at kami nap o ba ang magkakatuluyan at kung sakaling matuloy ang kasal naming next year magiging successful naman kaya ang itatayo naming pamilya? September 26, 1989 ang birthday ko at February 4, 1986 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Erika ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo, sapagkat ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elemantong air o hangin. Ibig sabihin, anoman ang pag-aalinlangan mo sa kasalukuyan, tiyak na sa susunod na taong 2015 sa ayaw at sa gusto – matutuloy ang inyong kasal.
Numerology:
Ang birth date mong 26 ay sadya ding tugma sa birth date na 4 ng boyfriend mo. Ibig sabihin, sa bandang huli wala naman kayong magagawa sa itinakda ng kapalaran – kayo na nga ng boyfriend mo ang magsasama at bubuo ng isang maunlad at pang habang buhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang suwertehin mas makabubuting sa araw ng inyong kasal piliin ang motif na kulay green o kaya’y pink. Sa ganyang paraan, patuloy na mananagana at uunlad ang inyong itatayong pamilya habang buhay.
Huling payo at paalala:
Erika anomang pag-aalinlangan sa iyong isipan ang gumugulo sa iyo sa kasalukuyan, tanggalin mo na iyan, dahil tulad ng nasabi na, wala ka namang magagawa sa itinakda ng kapalaran, kung ang initial ng boyfriend mo ay E.R., tiyak ang magaganap, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, matutuloy ang inyong kasay sa susunod na taong 2015, upang minsan pa, ang bubuiin ninyong pamilya ay magiging successful at habang buhay ng magiging maligaya.

Read more...