Gilas Pilipinas tumiklop sa South Korea, 97-95
By: Melvin Sarangay
- 10 years ago
NASAYANG ang malaking kalamangan na ipinundar ng Gilas Pilipinas sa first half ng laro kontra South Korea matapos tumiklop, 97-95, sa kanilang ikatlong laro sa 17th Asian Games men’s basketball game na ginanap sa Samsan World Gymnasium sa Incheon, South Korea.
Gumawa ng 25 puntos si Jimmy Alapag para pangunahan ang Gilas Pilipinas sa ikatlong laro nito. Hindi naman pinaglaro ni coach Chot Reyes ang naturalized Filipino player na si Marcus Douthit.
Una nang tinalo ang Gilas ng Iran at Qatar.