Derek nabwisit, ibinigay na sa korte ang mga ‘photo scandal’ ng dating asawa

mary christian
Naging malinaw ngayon ang senaryo na kaya pala hindi isinumite ni Mary Christine Jolly ang kanyang reply affidavit sa huling pagkikita nila sa piskalya ng Makati ni Derek Ramsay ay sa matinding pag-asang magkakaroon na sila ng amicable settlement ng hunk actor.

May pitong araw na ibinigay sa kanila ang piskalya para magkomunikasyon, pero walang naganap, kaya galit na galit ang Ingliserang babae sa muli nilang pagkikita nu’ng nakaraang Huwebes.

Sa halip na pakikipag-ayos ay isang nakatutulalang rejoinder ang isinumite ni Derek, kasama pa niyang dumating ang kanyang dating karelasyong beauty queen na nagpapatotoong puro kasi-nungalingan lang ang mga pinagsasasabi ni Mary Christine Jolly sa kanyang sinumpaang-salaysay, kaya lalong nag-init ang ulo ng ina ng kanyang anak.

Sabi siguro ni Christine, pera na ay naging bato pa, dahil wala naman palang planong makipag-ayos sa kanya si Derek para ibigay ang milyones na hinihingi nito sa aktor.

Matalino man ang matsing ay napaglalalangan din, sabi nga, dahil nasa rejoinder ng hunk actor ang mga retrato ng babae habang maraming kasamang kalalakihan at kahalikan pa nga nito ang ilan sa mga retratong hawak ngayon ng kampo ng hunk actor.

Nasaan na ngayon ang ipinagsisigawan ng babae na pagkatapos ng kanilang relas-yon ni Derek ay wala na itong iba pang nakarelasyon?

Hindi tinatalikuran ni Derek Ramsay ang obligasyon sa kanyang anak na si Austin Gabriel. Pero ang hinihingi ni Mary Christine Jolly ay paglalabanan pa nila sa korte.

Read more...