Misis ni Jose sandamakmak ang utang?

Kaya raw biglang naghabol at nagdemanda

A LOT has been said about the expose of Annalyn Manalo, asawa ng mahal nating kaibigang komedyanteng si Jose na tinaguriang bagong Concert King along with partner Wally Bayola.

Sobra ang dulot nitong paninira sa asawang komedyante – kesyo dalawang buwan na silang hindi nasusustentuhan diumano ni Jose, na kesyo may kinakalantaring ibang babae (dancer) daw si Jose, na kesyo kakasuhan niya ito ng bigamy dahil dalawang beses daw itong nagpakasal.

Bukod pa ‘yan sa isinampa niyang kasong Violence Against Women dala ng verbal and emotional abuse eclat daw ni Jose sa kanya.

Instead na makakuha ng public sympathy itong si Annalyn, the more na nagpupuyos sa galit ang mga nakakakilala ng tunay sa kabaitan ni Jose.

Kasi nga, hindi naman santa ang nagrereklamo, marami rin itong kaso sa pananalapi laban sa mga taong nabiktima raw niya noon pa.

Hanggang ngayon, may mga nakakausap pa kaming mga alahera na pinagkakautangan daw ni Annalyn.

Naaawa tuloy kami kay Jose. Kasi nga, saksi kami kung paano nito nilunok lahat ng kabalbalan ng asawa for years.

Ako mismo ay naging saksi sa mga problema sa pananalapi nitong si Annalyn.

Kasi nga, two years ago ay may tumawag sa akin, isang grupo ng mga alahera na pinagkukunan daw nitong si Annalyn ng mil-yon-milyong halaga ng jewelry.

Iyon kasi ang sideline ni Annalyn – kumukuha siya sa ilang suppliers ng alahas at ibinebenta para patubuan.

It’s good business though, pag marami kang rich clients na mahilig sa alahas.

Kaso, hindi lang isa, dalawa, tatlo – more than five jewelers ang nakipagkita sa akin that time sa Via Mare Restaurant sa Tomas Morato para magsumbong lang sa akin ng kanilang hinanakit kay Annalyn Manalo.

They were seeking for some legal advice and I suggested to seek the help of a professional lawyer para padalhan ‘kako ng demand letter si Annalyn to pay her dues.

“Ang dami niyang bouncing checks sa akin.

Ito lang naman ang tanging alam kong pagkakitaan, at inaangkat ko lang ito sa isang supplier din.

Magkano lang ang tutubuin ko rito pero ano itong ginawa niya, nagpatalbog siya ng mga tseke.

Ako ngayon ang hinahabol ng supplier ko at wala naman akong pang-abono,” anang isang alahera.

“Ako, gusto ko lang siyang masapak para makapatas kung ayaw niyang magbayad.

Kasi nga, ilang milyon na ang nakuha niya at matagal nang hindi niya nabayaran.

Nag-aaway na kami ng asawa ko dahil pati personal savings namin ay nagagalaw ko na maabonohan lang ang utang niya,” sabi naman ng isa pa.

“Kumuha sa akin ng malaking bato iyan then nalaman ko, isinanla lang pala niya at pinag-shopping.

Kaloka dahil tumawag sa akin ang pawnshop na pinagsanlaan niya, dahil kilala nga namin yung pinagsanlaan niya.

Ayaw na niyang makipagkita o makipag-usap sa amin.

Tinataguan na niya kami. Ano ba ang dapat naming gawin?” tanong pa ng isang nagrereklamo.

What I did that time was to call the attention of Ms. Malou Choa-Fagar, ang tumatayong business manager ni Jose.

Napagkasunduan naming makipagkita kay Ms. Malou sa same resto para iparinig ang kanilang hinaing.

Si Jose kasi ang naiipit. Kasi nga si Jose ay regular host ng Eat Bulaga.

Siya ang direktang naaapektuhan ng problema ng asawa niya tungkol sa pera.

Imagine, there was a point na nagpipiket ang mga tao sa labas ng Broadway Centrum laban kay Jose dahil sa mga pagkakautang ng kanyang asawa.

Sobrang affected that time ang trabaho ni Jose, hanggang sa dumating ang puntong pinagpahinga muna siya ng Eat Bulaga para mabigyan siya ng tamang panahon to fix the problem of his wife.

Sa aming pagpupulong na iyon with Ms. Fagar, napagkasunduan yata na ang talent fee na natatanggap ni Jose in the show ay ibabayad sa ibang pagkakautang ni Annalyn.

But someone whispered to me na nagsampa na lang ang iba ng kaso laban sa asawa ni Jose.

Nakakaawa rin si Jose. Mabuti na nga lang at sobrang bait ng Panginoon and despite all these ay biniyayaan pa rin siya ng suwerte sa kanyang karera.

You know naman siguro kung gaano kasipag si Jose, my gosh! Almost every night ay walang patid ang pagpe-perform nila ni Wally sa Zirkoh and Klownz para lang kumita ng konti at pangtustos sa gastusin nilang mag-anak.

Kaya kung totoo man ang bintang ni Annalyn na nangaliwa si Jose, hindi mo rin siya masisisi.

Kung ako nga iyon, baka iniwan ko na siya that time at pinagpalit sa iba.

Sana lang ay pinag-usapan muna nilang mag-asawa ang problema, hindi yung nagpainterbyu na siya left and right – para ano?

Para sirain si Jose sa publiko? Para mawalan ng tiwala ang mga tao sa kanya?

Nakakalungkot mang isipin na kakabit ang malaking tagumpay ng pagiging komedyante ni Jose ay ang malaking iskandalong dulot ng asawa niya. How sad. Kaloka!

Read more...