NAKABABAHALA na ang mga nagaganap na krimen sa bansa.
Kailangan na ang mga radical measures upang sugpuin ang kriminalidad.
Isa sa mga radical measures, bukod siguro sa pag-“salvage” sa mga kriminal na halang ang kaluluwa, ay paghingi ng tulong sa mga armadong mamamayan sa pagsugpo ng kriminalidad.
There are hundreds of thousands of licensed gun owners and the Philippine National Police (PNP) can ask some of them to become deputy police officers.
Madaling makahanap ang PNP ng mga responsableng armadong mamamayan: Tingnan lang nito ang listahan ng mga miyembro ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) at ang local branch ng International Defensive Pistol Association (IDPA).
Maraming miyembro ng PPSA at IDPA ang palaging sumasali sa shooting competitions.
Ang mga ito ay mas maaasahan sa paghawak ng pistola o riple kesa mga ordinaryong pulis na hindi nagpapraktis sa firing range.
Karamihan sa mga nagpapraktis sa firing range sa mga kampo ng pulisya at militar ay mga sibilyan na maraming bala.
Hindi maaasahan ang mga security guards o “sikyu” na maging deputy police dahil bukod sa pang-display lamang ang kanilang baril ay nanganganib ang kanilang buhay kapag off-duty na sila.
Iniiwan ng mga sikyu ang kanilang issued firearms sa mga establishments kung saan na-assign ng kanilang agency.
Pero hindi problema sa PPSA o IDPA members na maging deputy police dahil puwede nilang dalhin ang kanilang baril sa labas ng kanilang mga bahay kung meron silang permit to carry.
Libu-libong PPSA o IDPA members ay may kaya sa buhay at nakakabili sila ng two way radio na puwedeng maging konektado sa istasyon.
Puwede silang maging posse o mga armadong kalalakihan na appointed ng pulisya na tumulong sa pagpapatupad ng batas.
Maraming lugar sa America, lalo na sa mga maliliit na kabayanan na kakaunti ang pulis, na gumagamit ng posse to maintain peace and order in their locality.
q q q
Dapat gamitin ng gobyerno ang mga responsableng armadong mamamayan sa pagsugpo ng malalang kriminalidad sa bansa.
Maraming armed citizens ang naghihintay lamang na sila’y tawagin ng gobyerno upang labanan ang masasamang-loob.
Ako’y nagbo-volunteer.
May kakayahan ang inyong lingkod sa paghawak ng anumang baril at sa combat shooting.
Makatutulong ako sa pagsugpo ng kriminalidad kasama ang kapwa ko miyembro sa Manila Rifle and Pistol Shooting Club (MRPSC) na pinangungunahan ni Gerry Lazaro.
MRPSC is affiliated with the PPSA.
Ako’y miyembro din ng IDPA sa bansa.
q q q
Ang mga civilian members ng PPSA o IDPA (marami rin kasing mga pulis at militar na miyembro ng dalawang grupo) would become a very effective force to fight crime.
Bakit? Dahil gusto nila ang tahimik ang lugar kung saan sila nakatira, nais nilang ligtas ang kanilang mga bahay at pamilya sa mga kriminal.
Nakakita ba kayo ng mga civilian fire volunteers, na karamihan ay Tsinoy, sa pagsugpo ng sunog sa mga malalaking siyudad?
Kadalasan, ang volunteer firefighters ay nauuna sa pinangyayarihan ng sunog kesa sa mga bombero ng gobyerno.
Bakit? Dahil ang volunteer firefighters ay nais protektahan ang kanilang mga tahanan at negosyo sa sunog,
Ang mga miyembro kasi ng Bureau of Fire Protection ay pabandying-bandying lang sa pagpunta sa sunog at di nila uumpisahan ang pagpatay ng apoy kapag di sila nalalagyan ng mga may-ari ng nasusunog na bahay o business establishment.
Yan ay pawang katotohanan lamang.