Stag party ni Dingdong gagawin sa Germany

marian rivera
Second season na ang Marian. Mea culpa na rin sa mga huling naisusulat namin about the top rating and full commercial load dancing show ng GMA primetime queen Marian Rivera dahil second season na pala ito.

Are we now right that the second season started last Saturday? Again congratulations kay Marian for the second season dahil to the very least nga, puwede pa naman talaga siya hanggang December habang hindi pa sila kinakasal ng kaniyang boyfriend, GMA primetime king Dingdong Dantes this Dec. 31.

Tapos na ang bridal shower ni Marian sa Hong Kong with close friends  and her mother and lola at nag side trip sila sa Hong Kong Disneyland kung saan actual na ginanap ang bridal shower.

Si Dingdong naman ang hinihintay na mag-stag party sa Germany. Isa-isa nang nagla-labasan ang details ng The Royal Wedding as Marian finally chose international couturier Michael Cinco (who did clothes for supermodels Tyra Banks and Naomi Campbell) bilang tatahe ng kaniyang wedding gown.

Meanwhile, tuloy-tuloy pa rin ang buskahan ng mga Marian and Heart Evangelista fans even the smallest details na ginagawa ng mga idols nila kami na ang natatawa baka biglang magbati ang dalawa at mawindang ang mga followers nila.

Recently kasi, nag-post ng isang clutch bag si Marian made by Elle Saab sa kaniyang IG and guess what, sinundan daw ni Heart ang IG account ni Elle.

We wonder what’s wrong with this dahil Elle Saab is internationally big puwede naman maging favorite ito ng tulad nina Marian and Heart.

Read more...