AKO po si Benita Taunan na may SSS number 0312693862. Nag-avail ako ng adjustment sa Social Security System.
Tatlong beses na akong pabalik-balik sa SSS Malabon City pero sa hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking adjustment.
Bakit sobrang tagal? Tapos nahinto na ang pension ngayon. Sana ay mabigyan ninyo ako ng paliwanag.
Gumagalang,
Benita Taunan
REPLY: Para sa iyong katanungan Gng. Taunan, sadyang matagal talaga ang paghihintay sa adjustment dahil nangangaila-ngan ito nang matagal na proseso. Kailangan pa itong i-manual, then request for folder at susuriin pang mabuti para sa computation ng iyong adjustment.
Para naman sa iyong katanungan kung bakit nahinto ang iyong SSS pension, pansamantala talagang inihihinto ang pension ng isang pensioner kung may pro-sesong ganito pero temporary lamang ito at ibabalik din kasabay ang pagbibigay ng adjustment.
Ngunit sa ngayon ay hindi ka na dapat mag-alala dahil naayos na ang iyong request para sa adjustment ay ito ay maaari mo nang i-withdraw sa Oktubre 8 kasama ang hindi naisamang pension at tuloy tuloy na rin ang pagtanggap mo ng buwanang pension.
Sana ay nasagot na-min ang iyong katanu-ngan.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.