THERE is no doubt that the motive behind all the exposes against Vice President Jejomar Binay is to dwarf his gigantic ambition to be the country’s next president by 2016.
But set aside the motive and we actually benefit from all these investigation, be it in aid of legislation or destruction of a presidential ambition.
Kung ang pagtatalaga na ipinamamalas sa pag-urirat sa pinagmulan ng yaman ni Binay at ng kanyang pamilya ay makikita din sa pag-usisa sa iba pang kuwestiyonableng transaksiyon at pamamalakad sa iba pang lokal na pamahalaan, mas lubos ang pakinabang ng publiko dito.
Ngunit wala silang ambisyong maging susunod na pangulo ng bansa.
Ang malungkot na katotohanan, kung may ahensiya lang talaga ng pamahalaan na bubusisi sa kung paano pinaiikot at sinasamantala ang posisyon para sa sariling kapakanan, marami ang tiyak na hindi makapapasa sa pamantayan ng katapatan.
Pero hindi ba gawain ito dapat ng Commission on Audit? Kung gagawin lang ng CoA ang tunay na mandato nito, ilang lokal na pamahalaan ang mahahayag ang sistema ng maniobra at katiwaliaan?
Kung exposé ang pag-usapan, kulang pa ba ang mga inilantad laban kay Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima?
The very least and most dignified thing he could do right now is to take a leave of absence if only to justify and honor the trust accorded to him by the Chief Executive.
Oo nga’t ipinagtanggol siya ng pangulo, ngunit huwag namang ilagay sa kahihiyan ang pangulong nagtatanggol. Magkusa na sana si Purisima.
Ang posisyon niya ay hindi nakasalalay lamang sa tiwala ng pangulo kundi lalo’t higit sa tiwala ng mamamayan.
His position as PNP chief is all about accountability and transparency. O baka naman nakaligtaan na ito? O talagang wala nang halaga?
Ano ba ang pinagkaiba ng exposé kay Binay at Purisima? Ano ang kaibihan ng pagtrato sa paglalantad laban kay Binay at Purisina?
Yung isa kalaban, yung isa kalaalyado. Huwag nang asahan ang patas na pagtingin dito ng administrasyon.
Ang tunay na hamon ay nasa panig ni Binay, nasa panig ni Purisima. Susulong ba? Mananatil kaya?
In the end, they who are in the center of these controversies and exposés will determine how they will choose to fight or accept the challenge before them.
Pero ang publiko, may malinaw ng pananaw sa dalawang tila magkahiwalay ngunit magkaugnay na usaping ito.