Horoscope, September 26, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya! Isang Aquarius ang tutulong upang masimulan na ang negosyong matagal nang binabalak. Sa pag-ibig, ang masarap na relasyon ay sa isang Aquarius din makakamit. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: Om-Vedanta-Aum-Krisna.” Silver at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag matigas ang ulo. Hindi dapat ipagpilitang lagi ang iyong gusto! Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Sa pag-ibig, hayaan ang kasuyong Sagiitarius naman ang masunod. Mapalad ang 3, 6, 21, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Bago simulan ang trabaho, humigop muna ng mainit na sabaw. Sa ganyang paraan ay mas magiging aktibo ang  isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop upang makumpleto ang inyong araw.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa ibang bansa ay mas magiging maligaya, higit lalo sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Umpisahan nang mag-aplay sa abroad upang sa susunod na taong 2015 ay may isang mabungang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Silver at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi na uso ang plastik. Sa pag-ibig, laging magpakatotoo sa minamahal. Sa negosyo, ang pagiging matapat sa suki at mga kliyente ang susi ng pag-unlad. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om.” Pink at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—May pagkagastador at bulaksak ang isang Leo. Masosolusyunan ang problema  kung mag-aasawa ka ng kuripot, sa katauhan ng isang Capricorn mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag isiping nagkakaedad ka na! Sa halip sa aspetong pampinansyal, marami ka pang magagawa upang umunlad at magpayaman –umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig at romansa,  kalabaw lang ang tumatanda, kaya mo pang makadalawa. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum.” Orange at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin dahil malapit na ang Pasko upang muling mabuo ang relasyon! Sa pananalapi, patawarin at kalimutan na ang mga pautang na matagal ng hindi nakakabayad. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag magtanim ng galit sa kapwa lalo na at magpapasko pa naman. Kung walang galit sa puso at isipan, tuluy-tuloy nang makakamit ang maligayang relasyon at kusa na ring darating ang suwerteng pangmateryal. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Mas madaling sinusuwerte ang mga Sagittarius kapag naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat argabyaduhin ang mga maliit, anuman ang iyong hangda, lumaban ka nang patas. Sa pag-ibig, panay ang awat sa iyo ng kasuyo, pero ang totoo ay gustung-gusto naman talaga niya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi dapat magmukmok at tanggapin na lang ang kapalaran.  Kung hindi palalaguin ang kabuhayan ngayon, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi mo patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw ay ikaw din ang mawawalan. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Gold at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Malinaw na ang bolang kristal— may malaking salaping darating sa buwan ng Oktubre. Sa pag-ibig, tuwing magkakapera ay bahaginan ang kasuyo ng anumang grasya upang magpatuloy ang masayang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gita-Bhagava-Om.” Green at pink ang buenas.

Read more...