Angel binalaan sa pagpasok ng 2015

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

Hindi raw magiging maganda ang taong 2015 sa Kapamilya actress na si Angel Locsin. ‘Yan ay ayon sa isang feng shui expert.

Sa isang ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Master Hanz Cua, isa sa mga kinikilalang feng shui expert sa bansa, naging “very, very good year” ang 2014 kay Angel dahil siya’y ipinanganak under the Chinese animal sign ng Ox.

Pero sa susunod na taon, 2015 ayon kay Cua, “You have to be very careful dahil hindi masyado ang maganda ang 2015 sa iyo dahil Year of the Sheep.” Wala namang direktang sinabi ang feng shui master kung anu-ano ang dapat na gawin ng aktres para kontrahin ang sinasabi niyang kamalasan.

READ NEXT
Breast cancer
Read more...