Kaso ni Coco sa sexy fashion show isasampa na sa Senado?

COCO MARTIN

COCO MARTIN

Kung si Papa James Reid ay naaksidente, mas matindi ang pangungutya sa performance ni Coco Martin sa nakaraang Bench underwear show – mistulang isang malaking gaybar ang ambiance ng SM MOA Arena dahil nagkalat ang mga kalalakihan na naka-briefs lang, kaniya-kaniyang palakihan ng nota sa stage at kaniya-kaniyang gimik para mapansin.

Fiesta talaga ang mga badingding at matronix sa mga hunk actors nating nagpaligsahan sa palakihan ng bukol sa stage.

Kulang na nga lang ay umorder ka ng beer at mani at sabitan ng pera ang mga models sa kanilang mga underwear dahil mukha silang mga macho dancers sa stage. Kaloka iyon. That’s how Bench promote their products yata – pababa nang pababa ang imahe nila.

Not with Coco Martin, the indie actor na nagsimula sa paghuhubo’t hubad sa mga dati niyang pelikula – this time ay balot na balot si Coco Martin. Very wholesome ang kasuotan niyang bumagay naman sa kaniya pero hindi nababagay sa isang palabas kung saan lahat ay halos walang saplot.

Maiba lang. But what caught everyone’s attention sa portion ni Coco ay ang gimik niya on stage. Rumampa kasi siya na may hila-hilang female model (naka-two piece bikini) na nakatali – na para bang aso. It caught the ire of many women-groups and other people who found the act very demeaning to women and to the whole mankind.

“It was very distasteful at walang ka-class-class. Ganoon na ba ka-desperate ang Bench at hindi man lang nila nakuhang irespeto ang kababaihan – they treat them as dogs. Kahit sabihin pa nilang it’s a form of art, mahiya naman sila. It’s very offensive. Napakabobo naman ng nag-conceptualize ng act na iyon. Nagmukha na ngang gaybar ang MOA Arena, binaboy pa nila ang kababaihan.

“Okay, sabihin man nating hindi naman dapat isisi ito kay Coco dahil model lang siya pero kung may konting utak siya, when he was told to do that, aba’y dapat nag-isip din siya. Na sana’y hindi siya pumayag dahil nakakawalang-respeto sa babae yun. Mas mabuti pang naghubad na lang siya at ipinakita ang ti*** niya. Di ba’t maka-lola siya? Hindi ba niya naisip na mau-offend ang lola niya sa ginawa niyang ‘yun?” anang isang kaibigan naming stage director.

Wait and see na lang tayo kung ipatatawag din sa Kongreso o Senado ang kasong ito. Ha-hahaha!

Read more...