Naaliw lang ako sa character na ginagampanan ni Papa Aljur Abrenica sa pelikulang “My Kontrabida Girl” with Rhian Ramos dahil kung naaalala n’yo pa, ang unang naging ka-loveteam ni Papa Aljur sa showbiz ay si Kris Bernal.
Nakakatawa lang dahil ang pangalan niya sa film na ito ay Chris Bernal, ginawang lalaking Kris, di ba? Ha-hahaha!
Hindi ko lang batid kung talagang sinadya ng producer or ng writer nila ang name niya sa said film. Cute, di ba?
In fairness sa ‘My Kontrabida Girl”, ang tunog-tunog nito sa merkado, ha.
Kasi nga, marami ang naka-miss talaga kay Papa Aljur sa TV and movies, ang laki ng kontribusyon niya sa movie na ito dahil hukbo-hukbo ang following ng sexiest hunk in this business.
And that controversy na nakabalot sa persona ni Rhian Ramos seems to have not affected naman the kabuuan ng publicity ng said film.
Marami kasi ang excited na mapanood ito, kahit nga ako atat nang mapanood ang movie, probably because of my adulation kay Papa Aljur kaya ako excited na masilip ang film na ito. At least, honest ako, ha. He-hehehe!
Sa March 14 na pala ang showing nito.
My gosh, what a great birthday gift for Papa Aljur dahil he is turning a year older sa March 24 and balitang-balita that he is throwing a big party for his showbiz and non-showbiz friends sa kanilang family-owned Ichiban Resort sa Batangas City on March 25. Ma-invite kaya ako ni Papa Aljur? Ha-hahaha!
Nagpaparamdam lang, or baka nagpapaimbita?
Nakakahiya namang pumunta kasi pag di tayo formally invited. Tama?
Marami ang super-impressed kay Papa Aljur dahil hindi siya nagkokomento tungkol sa pasaring ni Robin Padilla na isa siyang bubuyog sa buhay ng anak nitong si Kylie Padilla.
Kungsabagay, hindi naman offensive masyado ang salitang “bubuyog” dahil this refers to someone na nanunuyo ng bulaklak.
Pero pag tinawag siyang “bangaw”, aba’y ibang usapan na iyon.
Puwede nang maghalo ang balat sa tinalupan, di ba?
Pero bubuyog naman is cute eh, sila ‘yung mahilig sa matatamis na katas ng bulaklak.
But what’s this we heard na tinatawag naman ng kampo ni Robin na “aswang” si Papa Aljur?
Teka lang, bakit aswang? Kanino inaswang ni Papa Aljur si Kylie, if I may ask?
Single naman si Kylie at hindi naman siya sinulot ni Papa Aljur from anyone else.
Hay naku, sila yata ang “kontrabida girls” sa buhay ni Papa Aljur. Kaya hayaan n’yo na lang.
By: Jobert Sucaldito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.