Marian nag-bridal shower sa Disneyland

dingdong dantes
SOSYAL ang naganap na bridal shower ni Marian Rivera, as in! Alam n’yo bang sa Hongkong Disneyland pa ito nangyari!?
Isang buwan matapos nga ang engagement nila nila Dingdong Dantes, sama-samang nagpunta ang GMA Primetime Queen, ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Disneyland para nga sa bridal shower na ginaganap noong Lunes.

Nakita namin ang mga litratong ipinost ni Marian sa kanyang Instagram accounts at kitang-kita roon ang kaligayahan ng fiancé ni Dingdong, kung saan nakasama rin ang nanay at lola ng Kapuso actress.

“Nag-uumapaw na kaligayahan, yan ang palagi ninyong pinaparamdam sa akin! Salamat ng marami,” ang caption na inilagay ni Marian sa isang larawang kuha sa kanyang sosyalerang  na bridal shower.

Dagdag pa niya, “I know I’m blessed when I see these people around me, friends who have always been here for me and loved me for who I am… Dami ko iyak at tawa, ang saya saya kagabi! Lalo ang mga games, panalo.”

Ang tanong, mag-post din kaya si Dingdong sa social media ng mga kaganapan sa kanyang stag party? Naku, baka naman pag-ugatan pa ng selosayan ‘yan, ha! Ha-hahaha! Mang-intriga ba talaga?

Read more...