SI Derek Ramsay na siguro ang male version ni Kris Aquino pagdating sa pagiging newsmaker sa entertainment industry. Kungsabagay, they are best of friends naman talaga sa tunay na buhay kaya siguro pati sa mga kontrobersiya ay palaging sila ang subject.
In short, laging may item about them. Whether we like it or not? Well.. Let’s talk about Derek now. If my memory serves me right, tahasang itinanggi ni Derek that he was ever married at merong anak many years ago, tama? Hindi ba’t iyon ang malaking dahilan kung bakit nagtampo siya sa ABS-CBN at lumipat sa TV5 dahil sa pagkakaalala ko, sa TV Patrol pumutok ang balitang may asawa na siya.
Ang tampo ni Derek ay di man lang daw siya pinrotektahan ng istasyon considering that he was an ABS-CBN artist that time.
Iba kasi ang labanan sa entertainment production at iba naman sa news.
Hindi naman siya sinalbahe ng TV Patrol, inilatag lang nila ang isyu ng pagiging married at ama niya. Sana ay sinagot na lang niya nang maayos ang isyung iyon that time – hinarap na parang tunay na lalaki at hindi na idinaan sa tampo-tampo.
Mga baklita lang ang nagtatampo, di ba mga Ining? Ang tunay na lalaki ay humaharap sa anong laban – kaya hayun, ang tampo niya ay nauwi sa malaking offer ng TV5 na sinamantala nga ni Derek.
Malaking dahtung nga naman iyon kaya sinong baliw ang tatanggi, sige nga? Pero saan nauwi ang career niya? May pera ka nga, bumaba naman ang market value mo , balewala rin?
Anyway, balik tayo sa isyu ng pagiging ama niya. Ngayon ay naririnig natin sa bibig ni Derek ang aniya’y sobrang pagmamahal niya kay Austin, his son sa kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly – na wala siyang pakialam sa pera, sa career niya – basta ang pinakamahalaga raw sa kanya ngayon ay ang relasyon niya sa bata.
Very artista ang dating, di ba? May pa-teary-teary eyed pa raw si Derek. Nu’ng unang pumutok ang isyu sa kanila ni Mary Christine, medyo turned off kami sa girl kasi ang lumalabas na isyu on her ay parang pineperahan lang niya si Derek Ramsay.
Yung parang bina-blackmail niya ang aktor. Ayaw kasi namin ng ganoon. Hindi ba’t lumabas mula sa kampo ni Derek na hindi naman siya nagkukulang sa sustento sa bata since the time na in-acknowledge niya ito? Kaya buwisit na buwisit kami kay Mary that time – not until I read the 21-page reply affidavit ng girl sa mga patutsada ni Derek. Oh no!
Her story sa kaniyang affidavit is heartbreaking. Ang ganda ng pagkasulat, very vivid – mula sa unang araw na nagkakilala sila ni Derek hanggang sa magsama sila sa isang bubong hanggang sa ikinasal sila, hanggang sa panahong she had to leave that abode para manganak kay Austin.
Nakalahad sa mahabang affidavit ni Mary Christine ang lahat-lahat. She was very clear with all her points. She is very educated and you will adore how good she is habang ikinukuwento niya ang lahat.
Kung paano siya sinaktan physically and verbally ni Derek – she’s called a slut, a bit**h, an overused vagina at kug anu-ano pa na hindi mo talaga kakayanin. Pati ang pagda-drugs and his womanizing…everything you could ever imagine.
And that sensitive part of his fathering na hindi talaga nag-work dahil halos ikinahiya naman pala niyang ipaalam sa lahat na isa na siyang ama. Ingat na ingat kasi siya sa career niya dahil he’d like the public to know that he is available.
Kaya nang mabasa ko ang mga kadramahan ni Derek, natatawa ako. Pasimpatiya ang dating sa akin.
I don’t have anything against Derek now, and I don’t know Mary Christine personally pero I feel for her. Pag nabasa niyo ang reply affidavit na iyon, it will definitely destroy Derek, sure na sure na wasak talaga siya roon.
Kung ilalabas natin ang kabuuan ng reply affidavit na iyon dito sa column ko, baka abutin ito ng seven issues dahil sa sobrang haba. Isa siyang buong teleserye na tiyak na papatok sa takilya. Believe me.
Ang nakakaloka nga, the day na natanggap ko ang e-mail ng dokumentong iyon, hindi ko magawang mag-skip ng isang line dahil pag nasimulan mong basahin hindi puwedeng di mo tapusin.
Ipapasa na pala sana nina Mary Christine and her lawyer ang reply affidavit na iyon kaya lang, biglang hinarang ng kampo ni Derek at nagpatawag ng isang closed-door meeting.
Siyempre, to save Dereks’ face. Kasi nga, tiyak na mawawasak siya roon. The whole world will really hate Derek. At maaawa ka sa babae, maaawa ka sa anak nila.
May tatay ka ngang sikat pero parang hindi mo naman siya maramdaman pag magkasama kayo. Nakakaloka, di ba? Ang balita natin ay mukhang magsi-settle na sila in terms of monetary consideration, magkikita uli sila sa korte today.
Kung magkano man iyon – P20 million, P45 million, P48 million – it’s between them. For sure ay papayag na si Derek dahil kung hindi, mas malaki ang mawawala sa kaniya.
With due respect kay Derek and his manager who’s so dear to me – pasensiya na kaibigang Joji Dingcong pero hindi ko lang talaga ma-imagine ang kadramahan ni Derek sa mga interviews sa kaniya.
Kung ako sa kaniya, tahimik ko na lang na haharapin ang personal na isyung ito. Siyempre, tulad ng palagi naming sinasabi, wish pa rin naming magkaayos ang mag-asawa amicably.