Amazing Race Philippines season 2: Trayduran, paistaran

rr jack
Samantala, ang mga masuswerte namang nakapasok sa The Amazing Race Philippines Season 2 ay sina sexy besties, RR Enriquez at Jeck Maierhofer; blonde sisters, Tina at Avy Wells; chefs Eji Estillore at Roch Hernandez; dating couple Matt Edwards at Phoebe Walker; Juan Direction hunks Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh; ang mag-amang AJ at Jody Capili; ang mga nerds na sina Vince Aguilar at Ed Chong.

Pasok din sa laban ang travel buddies na sina Zarah Evangelista at Osang Dela Rosa; Mr. Pogi winner John Paul Duray at Mr. Pogi finalist Kelvin Engles; ang magkapatid na sina Jet at Yna Cruz; at Pinay world champ bodybuilders Gretchen Albaniel at Luz McClitton.

Kung isang milyong piso lang ang papremyo sa nakaraang season, this year, P2 million na, bukod pa sa dalawang SUV (Kia Sportage) at dalawang bahay at lupa ang mapapanalunan ng winners.

Magsisimula na ito sa Oktubre 6, 7:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes, at 9 p.m naman tuwing Sabado at Linggo sa TV5. Ito’y handog ng Rexona, at sinusuportahan ng PLDT Home Telpad, Summit Natural Drinking Water, Kia, RCD Royal Homes at Resorts World Manila.

Siniguro naman ni Drek na mas matindi ang labanan ng 11 pares sa season 2 ng TAR dahil talagang magka-clash daw ang mga racers – may mag-aaway, may magkakasakitan, may trayduran at merong kampihan..

Read more...