John Prats, Empress etsapwera na sa Dos, lilipat na sa GMA

john prats
Sina John Prats at Empress ang sinasabing lilipat sa Siyete. Apparently, merong lumalabas na chikang pinabayaan na raw ang dalawa, lalo na si Empress na walang regular show ngayon sa Dos.

Her last soap was some four years ago pa yata if we’re not mistaken. Si John naman ay nasa-sight lang sa gag show kasama sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at kung sinu-sino pa.

Wala rin siyang regular soap at ewan kung napapanood pa siya sa Sunday noontime show ng Dos. Sila na nga ba ang lilipat sa Siyete? Kaabang-abang ba ang paglipat nila kung sakali?

If ever na lilipat si John sa GMA, posibleng isa sa mga factor na ikinonsider niya ay ang kanyang ate Camille Prats na matagal nang exclusive artist ng network. For all you know, si Camille pa ang naging tulay sa kanyang pag-over da bakod.

Read more...