Sa bashers ni Martin: Mamatay kayo sa inggit!

martin del rosario
Kahit natsitsismis na bading itong cute hunk nating si Martin del Rosario, kebs namin. Kasi nga, oozing with so much sex appeal ang batang ito. Kumbaga, parang masarap siyang kabarkada dahil balitang very accommodating.

Kaya kahit anong pintas sa kaniya ng netizens sa pagrampa niya sa nakaraang The Naked Truth ng Bench kung saan ipinasok pa niya ang buong kamay niya sa kanyang briefs (lusutan hanggang sa ibaba ng singit niya), marami pa ring naaliw.

Inggit lang ang mga baklitang iyan kaya sinisiraan nila si Papa Martin. Between Papa Martin and Papa Jake Cuenca naman na rumampa rin sa nasabing event, we’ll take Papa Martin anytime naman kasi nga, mas maganda ang ipinakita niya kaysa kay Papa Jake. Para raw kasing laos na macho dancer si Papa Jake sa ginawa niya.

Kasi naman, hindi itinago ang Bilbiling Pilipinas. Ha-hahaha!

Read more...