Reimbursement iniipit ng PhilHealth

NAOPERAHAN ako sa QMMC noong April 15, 2014 dahil sa apendectomy.

Ginamit ko ang PhilHealth ko. Sana mabasa ng presidente ito. Binanggit din ito ng taga-PhilHealth sa PTV 4.

Pati kaming mga pangkaraniwang indibidwal ay ginugulangan.
Jonas M Briones

REPLY: Pagbati po mula sa Team PhilHealth!

Ito po ay patungkol sa text message ni G. Jonas M. Briones na
ipinadala sa Aksyon Line.
Ito ay hinggil po sa kanyang claim reimbursement para sa kanyang pagkakaospital sa QMMC noong April 15-22, 2014, na ayaw umanong ibigay sa kanya.

Nais po naming ipabatid sa inyo na ang PhilHealth NCR Central Branch, Benefits Administration Section (BAS) ay direkta nang nakikipag-ugnayan kay G. Briones upang bigyang linaw ang kanyang mga katanungan at reklamo.

Sa kasalukuyan po, ang BAS ay may hinihintay lamang na mga dokumento mula sa QMMC upang ma-
bigyang linaw ang iba pang katanungan ni G. Briones.
Napagkasunduan po ng BAS at ni G. Briones na siya ay muling tatawagan sa oras na naipadala na ng QMMC ang kinakailang dokumento.
Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...