Red Lions asinta ang twice-to-beat

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. San Beda vs Perpetual Help
4 p.m. Mapua vs EAC
Team Standings: zSan Beda (13-2); Arellano (11-4); JRU  (9-5); St. Benilde (9-5); Perpetual Help (8-6); Letran (6-8); Lyceum (6-9); xMapua (4-10); xSan Sebastian
(3-11); xEAC (3-12)
z -Final Four spot
x-eliminated

UUPUAN ngayon ng San Beda ang isa sa unang dalawang puwesto at ang twice-to-beat advantage kung manalo sa Perpetual Help sa pagbabalik ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ika-14 panalo sa 16 laro ang makukuha ng Red Lions sa alas-2 ng hapon na tagisan at sapat na ito para malagay sa unang dalawang puwesto kahit matalo pa sa huling dalawang laro sa liga.

May 8-6 karta ang Altas at kailangan nila ang panalong ito para hindi lumayo sa Jose Rizal University at College of St. Benilde na magkasalo sa 9-5 karta para sa ikatlo at ikaapat na puwesto.

Tinalo ng Red Lions ang Altas sa unang pagkikita, 57-55, pero tiyak na handa ang Perpetual ngayon.

Read more...