Sigaw ng fans nina Daniel at Kathryn: Jasmine malandi, mang-aagaw

jasmine curtis
By the way, mukhang naiipit din sa tensyon at intriga ang batang kapatid ni Anne dahil mismong ang ate nito ang nagtanggol sa kapatid sa mga batikos dito sa social media hinggil daw sa pakikipaglandian nito kay Daniel Padilla.

Kumakalat kasi ang tsikang kahit may Sam Concepcion na ito ay nagagawa pa raw nitong lumandi kay Daniel na nagkasama nga sa isang shoot para sa MMFF entry na “Bonifacio” ng uncle ni DJ na si Robin Padilla.

Hindi nga ba’t dapat ay si Kathryn Bernardo ang kasama ni Daniel pero hindi nga magagawa ng kapartner ni DJ ang cameo role kaya’t si Jasmine ang kinuha.

To the rescue agad si Anne lalo na nang tawagin nang “slut” ang kapatid. Ito talaga ang sumagot ng mga batikos habang ang feeling namin ay dedma lang si Jasmine.

Read more...