Mas gusto ni Dennis Trillo na siya ang pag-agawan kaysa siya ang makiagaw.
Ngayong okay na sina Dennis and Jennylyn Mercado, it so happens na pareho na rin sila ng film outfit, Regal Films, after Jennylyn signed up again with the said outfit so puwede na silang magkasama ulit sa isang pelikula. Amenable naman daw si Dennis to be paired with Jennylyn again if there is a right project for them pero kung for the purpose of gimmick, huwag na lang daw.
During the pocket presscon of Biritera for its continued success sa TeleBabad ng GMA after 24 Oras, we asked Dennis kung anong klaseng love triangle combination ang mas gusto niyang gawin, Dennis-Jennylyn-Luis Manzano or Jennylyn-Dennis-Bianca King. Ang isa, makikipag-agawan siya kay Luis for Jen and the other one, pag-aagawan siya nina Jen and Bianca.
Mas pinili ni Dennis ang siya ang pag-agawan para sure nga namang may partner siya. Kung makikiagaw nga naman siya, malamang na siya pa ang mawalan ng partner lalo na’t open na nga sina Jennylyn and Luis. Isa pa, Star Cinema yata naka-sign up si Luis so mahirap silang pagsamahing tatlo unlike Bianca who can do movie for Regal din so puwede sila.
Ang tanong, pumayag naman kaya si Bianca na siya ang maaagawan?
Meanwhile, si Gwen Zamora ba ang pinagseselosan ngayon ni Bianca King?
Non-showbiz pa ring sumagot si Gwen, thank God, so what you ask her, she answers directly. Now promoting her first ever starring movie na hindi pa man din Philippines made kundi Indonesian produced, ang “The Witness” na unang ipalalabas sa atin dito on March 21, bida rin si Gwen sa Biritera bilang ka-triangle nina Dennis Trillo and Glaiza de Castro.
While si Glaiza ang unang na-intriga kay Dennis, the romantic slant is now with Dennis and Gwen so ang GMA Artist Center girl ngayon ang iniintriga playing sweet music together. Say ni Gwen, not true at all daw dahil halos hindi nga siya kausapin ni Dennis off cam, siya palagi ang nagpapasimula ng conversation with her co-star dahil tahimik at mahiyain si Dennis.
Mabait daw si Dennis at sinasagot naman lahat ng tinatanong niya but that’s just it. Mabuti na lang, may dini-date siya ngayon, a non-showbiz guy who once tried modeling and basketball kaya walang dapat pagselosan si Bianca sa kanilang dalawa. Tanong namin, yung guy ba hindi pinagseselosan si Dennis? Hindi naman daw.
Next month, aalis si Gwen for Indonesia to promote “The Witness”. – Dinno Erece