Horoscope, September 20, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, simulan ang araw sa pag-simba. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at maraming grasya. Mapalad ang 7, 13, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Apple gree at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung alam mong nasa panig ka ng tama ipaglaban mo! Hindi dapat pang hinaan ng loob kahit may mga komokontra sa iyong balak. Ito na ang tamang panahon upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig tuloy ang pakikipag-romansahan sa kausyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.” Pink at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Kung magsisimula ka ng kumilos ngayon abot-kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig, hinihintay ka ng kasuyo wag ng magdalawang isip pa, sunggab agad upang lumigaya. Sa materyal na bagay, kapag maraming pera kailangang matutong mag-ipon.  Mapalad ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panahon na upang mag-ipon ng maraming pera, upang magamit sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang awit ng puso, isang Aquarius ang sa iyo ay magpapaligaya.  Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tantra-Yantra-Sakra.” Silver at mint green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Magiging okey na ang pakiramdam, kung lilimutin na ang nakaraan. Kasama ang kasuyong Scorpio, magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili sa mamahaling restaurant. Sa pag-ibig, tandaang ang katapatan ay nagbubunga ng pang habang buhay na kaligayahan. Mapalad ang 4, 7, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ituring na ito na ang huling araw! Dahil huling araw na ngayon, palaguin ng palaguin ang kabuhayan, hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, yakaping mahigpit ang halikan sa labi ang minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “At kapag hindi ito ang naging kahulihulihang araw, lumuhod ka at magpasalamat.” Blue at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kaya naman palang tapusin ang isang proyekto, pero bakit pinagpapaliban pa? Sa pagsisipag mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, walang mahihita sa ka-relasyong mapayat, tamang-tama lang ang ka-relasyong mataba. Mapalad ang 5, 8, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” Pink at red ang buenas

Libra – (September 23-October 23)— Iwasan ang isang hangal na pag-ibig na nagtatangkang dumating, mapapahamak ka lang. Sa halip habang nalalapit ang kapaskuhan, utuon ang oras at panahon sa pagkakamal ng maraming-maraming salapi. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Pink at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—  May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing, kulay puti, mainit ang sabaw at masarap higupin! Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Red at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mawawala ang mga problema kung magsisindi ng kulay violet na kandila sa harap ng altar na pinahiran ng langis. Kasabay ng pagkaubos ng kandila, kusa ng matutunaw ang mga problema. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Bukod sa violet ang lilac ay buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat mabugnot sa mga walang kuwentang kasama, mauubos lang ang iyong enerhiya sa kanila kapag pinansin mo sila. Sa pag-ibig, iistorbohin ka na naman ng kasuyong Cancer, pagbigyan mo na kasi siya. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yara-Salveme-Om .” Red at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Mga bagay na imposible ang kusang mangyayari! Sa pinansyal bigla kang makakahawak ng malaking halaga ng salapi galing sa ibang bansa. Sa pag-ibig, ang kasuyong tahimik ang kusang gagawa ng paraan upang kayo ay magkasarilinan. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Bene-Vit.” Yellow at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—  Kahit anong problema ang dumating, isang Cancer ang lagi mong makakasangga. Sa pinansiyal, isang Virgo naman ang maaaring mautangan. Sa pag-ibig, bagamat okey ang isang Capricorn, mas magaling sa romansa ang isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas.

Read more...