MAS mahalaga kay Derek Ramsay ang kapakanan ng kanyang 11-year-old na anak kesa sa kanyang career at personal na buhay. Ito ang kanyang dahilan kung bakit siya pumayag na makipagkasundo sa dati niyang asawang si Mary Christine Jolly.
Sa naganap na closed-door hearing noong Huwebes ng hapon para sa kasong Anti-Violence Against Women and Their Children Act na isinampa ni Mary laban kay Derek, nagkasundo ang dalawang kampo na resolbahin ito sa labas ng korte.
Kabilang na nga riyan ang hinihinging P42 million in damages ng estranged wife ng aktor. Kasama rin ni Mary na humarap sa korte ang anak nila ni Derek.
Sabi ng hunk actor talagang pumunta siya sa hearing kahit hindi na kailangan para makita muli ang anak. At dahil nga sa bata kaya pumayag si Derek na makipag-ayos kay Mary.
Kabilang sa kailangan nilang pag-usapan ang “child support, visitation rights, and the citizenship” ng kanilang anak. Naging emosyonal din si Derek nang makapanayam siya ng press matapos ang hearing.
Aniya na mangiyak-ngiyak, “I’m happy I got to see my son. Tinabi ko ‘yung career ko pagpasok ko for my son. Wala akong pakialam sa sarili ko. Anak ko ang inuna ko dito.”
Sabi pa ng Kapatid actor, “If it was my decision, I wouldn’t let him be here. And I don’t think he should see all of these. But it is what it is. Like I said, I came here so I could see him, talk to him.
“There were some things that hurt. It came from him and from their camp. Like I said, we took a step forward for his future,” ani Derek.
Tungkol naman sa mga akusasyon ni Mary na inilahad niya sa kanyang reply affidavit (kabilang na ang tungkol sa diumano’y pang-aabusong sekswal kanya ni Derek) na hindi na nga isinumite sa piskalya matapos ang naganap na mediation, “Whatever she stated in her affidavit, she said she’s retracting everything.
I don’t really care about anything that’s been said about me.” Para naman kay Mary Christine Jolly, “I think we just let out a lot of baggage in the past that needed to be let out before we want to move on and I’m glad that’s resolved.”