Warning kay Vhong: Mag-ingat, magdagdag na ng Bodyguard

deniece cornejo
MARAMI ang na-shock sa panibagong update hinggil sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Zimmer Raz at Deniece Cornejo, kabilang na ang serious illegal detention.

Nagdesisyon kasi si Judge Paz Ezperanza Cortez ng Taguig Regional Trial Court na pahintulutang makapagpiyansa ang grupo nina Cedric at Deniece sa halagang P500,000 bawat isa, kaya pansamantala silang makakalaya habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Ayon sa ulat, ang resolusyon ni Judge Cortez, na nilagdaan noong Sept. 12 ay nagsasaad na hindi malakas ang ebidensiyang inihain ng prosekusyon (kampo ni Navarro) para sa kasong serious illegal detention laban sa mga akusado.

Sa panig siyempre ng mga akusado ay isa itong mahalagang development. Pero masakit at nakakalungkot na balita naman ito sa panig ni Vhong.

Ayon nga sa TV host-comedian (sa interview ng ABS-CBN), “Siyempre, nalungkot, na-depress, naiyak nga ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang luha, bigla na lang bumgasak.

“Ngayon, unti-unti nang nagsi-sink in uli kasi ito na nga yung…kasi before, nagbabalik yung kung ano yung naranasan ko noon sa loob ng condo, sa mga paratang na ibinigay sa akin.

Yung pagtutok sa akin ng baril,” emosyunal pang sabi ni Vhong. Ayon sa lawyer ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, “We will question the resolution, we will pursue all the remedies that are available to rectify the situation.

A crime has been committed. We are determined, now more than ever, to see that justice is done and that the accused are put to jail.”

Marami naman ang nagsasabi na dapat daw ay triplehin na ni Vhong ang pag-iingat dahil nakalabas na ng kulungan ang mga taong sinampahan niya ng kaso, kung maaari ay magdagdag siya ng bodyguard.

Posible raw kasing balikan siya ng mga ito at paghigantihan. Mabuti na raw yung handa siya sa mga susunod na hakbang nina Cedric Lee.

Read more...