Mariel nagka-bronchitis kahit healthy living na

mariel rodriguez
Mabuti na lang at nakapag-bangko na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ng mga episode ng Talentadong Pinoy bago nagkasakit ang huli, may bronchitis si Mariel habang busy naman sa shooting ng “Bonifacio” si Binoe.

Hindi binanggit sa amin ni Mariel ang dahilan ng pagkakasakit niya, ang sabi lang niya, “Okay na ako, magaling na.”
Marahil ay dahil sa panahon kaya bumigay ang katawan ni Mariel bukod pa sa wala rin siyang pahinga dahil pagkatapos ng taping ng Talentadong Pinoy ay personal pa rin niyang inaasikaso ang asawa.

Tanda nga namin ay hindi iniaasa ng mag-asawang Binoe at Mariel sa catering ang food nila dahil organic nga ang kinakain nila.

Samantala, sina Jaya, Bayani Agabayni, Jasmine Curtis-Smith ang talent scouts ngayong Sabado sa episode ng Talentadong Pinoy na lalahukan ng apat na contestants tulad ng WP Malolos Republic, Cleo dela Cruz, Alfie Cabanog bilang Beatbox Soldier, at sina Empoy/Entoy bilang jugglers.

Read more...