TUWANG-TUWA kami nang malaman naming sa Imperial Suites na pag-aari ni Mother Lily Monteverde gaganapin ang presscon ng horror-suspense movie na “Dementia” na pinagbibidahan ng nag-iisa nating Superstar Nora Aunor.
Why? Kasi, sa pagkakaalam namin ay matagal na nagkatampuhan sina Mother Lily at Mama Guy for some reasons at ngayon lang namin sila makikitang magkasama sa isang event.
“Nang malaman kong may bagong movie si Nora, I immediately thought of giving her a presscon as my gift to her. After all, she made me rich dahil ibinigay niya sa akin ang Valencia homes niya.
Ha-hahaha!” ani Mother Lily in her sweet voice. Na hiniritan naman ni Mama Guy ng, “Since mayaman ka na naman Mother, ibalik mo na lang sa akin ang Valencia!” na ikinasaya ng members of the press.
May kuwento kasi si Mother Lily tungkol sa Valencia residence na ‘yun ni Mama Guy na napunta nga sa kanya eventually.
Yes, “Dementia” is the first directorial film ng mahal nating kaibigang si Perci Intalan, ang dating head ng entertainment division ng TV5.
Siya rin ang nag-produce nito at iri-release ng Regal Films. As we talk to some people in the know, sadya naming hindi tinanong si Perci about the film para walang biases, sinasabi nilang maganda raw talaga ang “Dementia”.
Kasi nga, ang sabi namin, nagustuhan namin ang last film ni Mama Guy na “Hustisya” na tumabo sa takilya during the Cinemalaya Filmfest.
“Kung nagustuhan niyo ang Hustisya, mas magugustuhan ninyo itong ‘Dementia’. Napakaganda ng pagkagawa. Pareho sila ng ‘Hustisya’ na maganda ang kalidad. Kungsabagay, wala namang tapong pelikula si Nora, eh.
Lahat naman ng roles niya ay nabigyan niya ng justice. Pero this one, ang ‘Dementia’, is a must-watch,” ani Kuya Boy Palma na mas nakakaalam ng kuwento ng film.
Siyempre, tiwala kami sa kausap namin dahil kilala namin si Kuya Boy Palma, pag hindi kagandahan ang isang project he will say it. Ibubulong niya sa amin na so-so lang ito or what.
Pero this time, siya na mismo ang nagsasabing must-watch talaga ito dahil maganda. Anyway, meron itong premiere showing sa Trinoma this coming Sunday, at 7 p.m..
Siyempre, bukod kay Mama Guy, dadalo rin diyan ang co-stars niya like Bing Loyzaga, Yul Servo, Lou Veloso, ang cutie na si Jeric Gonzales, Jasmine Curtis and many more.
Siyempre, full support kami ng alaga nating si Michael Pangilinan who promised to attend the premiere night this coming Sunday dahil maaga namang matatapos ang rehearsal niya with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra in preparation for Himig Handod grand finals sa Sept. 28.
“Anak Michael, kailangang dumating ka roon ha, kasi pinalagyan namin ng mga pangalan ninyo ang mga upuan para hindi makuha ng iba. Ha-hahaha! Malalaman ko kung wala ka dahil hahanapin kita.
Baka gantihan mo ako kasi hindi ako nakapunta sa nakaraang concert mo,” biro ni Mama Guy kay Michael nu’ng magkita sila sa Starbucks Morato that afternoon.
Of course darating kami ni Michael. Ikaw pa ba Mama Guy? Walang Sera iyan.
Speaking of Ms. Nora Aunor, she will fly to Tacloban this coming Sept. 26 para simulan ang shooting ng “Yolanda”, istorya ng isang ina na in-denial sa pagkamatay ng tatlong anak matapos salantahin ng super typhoon Yolanda ang Pilipinas.
Napakaganda ng istorya nito kaya hindi na nagdalawang-isip ang mahal nating aktres when it was offered to her.
“That will be Guy’s 5th indie film. Nag-i-enjoy siya sa kasu-shooting.
Gusto niya palagi siyang busy. Ayaw niyang naiinip sa bahay. Kaya hayan, napakasipag mag-shooting habang wala pa namang project sa TV5. OK lang iyon, ang mahalaga ay visible naman siya sa movies,” ani Kuya Boy Palma who has been Mama Guy’s business manager for over 20 years already.
Good luck, Mama Guy. We love you and for sure, 1,000% ang suportang ibibigay namin sa iyo. Mwah!