Kiss and make-up na sina Senador Miriam Defensor-Santiago at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas matapos ang kanilang naging sigalot noong isang linggo habang nasa hearing ng Commission on Appointments. INQUIRER
ANG mga bandage sa daliri ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang magpapatunay na totoo ang kanyang lung cancer.
“Some people doubt that I have cancer at all. You mean it’s a figment of my imagination? I wish,” ani Santiago sa isang press conference.
Ipinakita ni Santiago ang mga bandage sa kanyang mga daliri sa kamay at paa na aniya’y resulta ng pagdurugo dahil sa kanyang lung cancer.
“You think I would report to office like this? You think these are necessary accessories for beauty or sex appeal?” ayon pa kay Santiago.
Nauna nang isiniwalat ni Santiago na siya ay may Stage 4 na lung cancer.
“A person who is suffering from lung cancer is prone to bleeding and becomes very brittle. I used to have very high pain tolerance, that’s why I was in politics I could tolerate any kind of pain. The whole of politics is one pain in the neck,” biro pa ni Santiago.
Idinagdag niya na isang talampakang haba ng karayom ang ginamit nang siya ay kuhaan ng dugo para masuri kung siya ay may cancer. Iginiit naman ni Santiago na gumagaling na siya mula sa kanyang cancer dalawang buwan matapos niyang simulan ang panggagamot.