Umento sa manggagawa

AKO po si Camille Dayang, computer programmer, gusto ko lang po sanang itanong kung ngayong taon ay magkakaroon po ng wage increase at kung meron pwede po kayang maging P50 o mas mataas pa? Lalo na po ngayong masyadong mataas ang presyo ng mga bilihin?
Camille Dayang

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Dayang, ngayong taon ay nagkaroon na ng wage increase sa 10 rehiyon habang a-nim na lamang ang wala pang increase kabilang na rito ang Leyte na kung saan ay naganap ang supertyphoon Yolanda.

Ang iba pang regions gaya ng region 3 ay nasa consultation process pa ngunit kinakailangan nilang mag increase ngayong taon dahil sa ilalim ng batas, dapat ay taun-taon ay may dagdag sweldo para sa mga obrero natin.

Para naman sa iyong katanungan kung pupwedeng mag increase ng P50 o mahigit pa ay malabo itong mangyari dahil may formula na ginagamit na hindi maaaring lumampas ng P25 hanggang P30 ang umento.

Huling nagkaroon ng P25 increase o ganyang kalaki ay noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang National Wages and Productivity Commssion (NWPC) ang ahensya na nangangasiwa upang pag-aralan ang petisyon ng minimum wage increase, sa NCR at bawat region na syang nasasakupan nito. Ang itinadhana ng batas na 10% increase sa bawat taon.

Ang minimum wage increase ay isang Labor Standard ng ating Batas sa Paggawa, na itinadhana upang bigyan proteksyon ang interest ng mga mangagawa para iangat ang antas ng paggawa.

Ang pagbibigay ng wage increase ay nakabatay sa antas ng inflation rate para hindi mamuhay below standard of living.

May dalawang procedures para sa wage increase, una sa pamamagitan ng regional wage board at pangalawa ay sa pamamagitan ng lehislasyon o ang pagpasa ng batas ng dalawang kapulungan ng Kongreso

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...