Kris ipinagtanggol si Lovi kay Erik Matti: Sana hindi pinagmumura!

KRIS AQUINO AT LOVI POE

KRIS AQUINO AT LOVI POE

IPINAGTANGGOL ni Kris Aquino ang kapwa aktres na si Lovi Poe sa ginawang pagmumura sa kanya ni Direk Erik Matti dahil sa hindi nito sinunod ang kontrata na gawin ang “Kubot: The Aswang Chronicles 2” na entry ngayong 2014 Metro Manila Film Festival.

Sa Aquino & Abunda Tonight episode noong Lunes ay napag-usapan nina Boy Abunda at Kris ang nangyari kina direk Erik at Lovi dahil nag-meeting daw ang PAMI (Professional Artists Managers, Inc) at kinondena si direk Erik sa ginawa kay Lovi na alaga naman ni Leo Dominguez at miyembro ng nasabing samahan ng mga talent manager.

Dismayado naman ang co-producer ni direk Erik na si Dondon Monteverde sa pagkampi ng PAMI kay Lovi, nagpadala ito ng official statement sa A&A para ipaliwanag ang side niya.

Ayon kay Kris, naiintindihan niya ang sentiments nina direk Erik at Dondon dahil nga producers ang mga ito (at director) at may kontrata nga ang aktres sa kanila, pero hindi sang-ayon si Kris sa ginawang panlalait kay Lovi.

“Sana lang hindi pinagmumura ni direk Erik si Lovi sa ganu’ng medium (Facebook) kasi hindi maganda, sana nag-usap na lang sila,” say ni Kris.

Si direk Erik ang direktor ni Kris sa pelikulang pagsasamahan nila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment at malapit din niyang kaibigan si Dondon na manager naman ng ex-husband niyang si James Yap at anak ni Mother Lily Monteverde.

READ NEXT
False hunger
Read more...