Kris kay Michael Pangilinan: Para siyang si Ariel Rivera…lalaking-lalaki!

KRIS AQUINO AT MICHAEL PANGILINAN

KRIS AQUINO AT MICHAEL PANGILINAN

NU’NG isang araw ay nag-guest ang anak nating si Michael Pangilinan sa taping ng KrisTV na ginanap sa 19 East sa Sucat, Parañaque as part of the Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 promo. Alam niyo naman na matagal kaming hindi nag-uusap ni Kris Aquino – we hate each other in a way. Ha-hahaha!

Iyon ang pumasok sa isipan ko – paano ngayon ‘to? Nagpapasama sa akin ang alaga ko at pag nandu’n ako, tiyak na magkakasalubong ang paths namin ni Kristeta. Dahil maaga ang calltime, kailangang ako pa ang sumundo kay Michael sa bahay nila.

Anyway, habang nasa labas ako ng venue sa smoking area, nakita ako ni Kris from the door ng 19 East dahil that was her holding area during her break. She went out of the door and said, “Jobert, bakit nandiyan ka? Are you ready na to be nice to me?” ang nakangiti niyang bungad sa akin.

Natawa ako at sinagot siya ng, “Oo naman, bakit hindi? Malay mo, baka bigyan mo pa ako ng pang-cellophane. Ha-hahaha!” birong sagot ko sa kaniya. Bigla kong ipinakilala sa kaniya si Michael na dumaan sa harap namin while we were talking.

“Ay, siya pala yung kumanta ng song para sa mga gays. Alam mo, I like your song kasi very respectful sa gays. Ang cute ng song, di ba iyon yung parang sa mag-best friend na guy and gay and yung gay best friend ay nagkagusto doon sa guy? Parang si Fifth ng PBB, di ba?” sabi niya kay Michael na inoohan naman ni bagets.
In short, naging okay kaming bigla ni Kris. Then, tuloy na ang taping ng episode ng Himig Handog nina Michael. Kasama niya sina Marion Aunor, KZ Tandingan, Bugoy Drilon, Morisette Amon and Jed Madela na kaniya-kaniyang pagtagisan sa live interpretation ng kanilang respective songs.

Siyempre, hindi nagpatalbog ang baby nating si Michael with his very controversial song – ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” composed by Joven Tan. Ipinalabas ito yesterday and in fairness, ang ganda ng kinalabasan ng said episode. Napakarami kong natanggap na papuring text messages kay Michael. Gustong-gusto raw nila ang kanta. Ibang-iba.

Right after ng taping, tinawag ni Kris ang executive producer niya at sinabing gawing once a week si Michael sa KrisTV na ikinatuwa namin siyempre, lalo na ni Michael dahil para mapansin ng isang istriktang si Kris Aquino at maimbitahan to be in the show every week, aba nga naman – isang malaking boost sa singing career ni bagets ito.

“He just needs a stylist, Jobert, gastusan mo na siya. Bilhan mo ng maraming damit at bring mo siya kay Jing Monis for his hair,” ang one liner ni Kristeta na akala siguro ay mayaman ako.
“Wala kaming perang panggastos masyado for that. Tsaka na ang magagandang damit, unti-unti lang. Kung ano lang ang kaya naming bilhin muna, ‘no!” sagot ko sa kaniya.

“Ok,” ang malumanay niyang reaksiyon. After that ay in-arrange na namin ang pagiging regular ni Michael sa KrisTV dahil nakita raw ni Kris sa personality ni Michael ang pagiging future star.

“Sa boses at hitsura niya, siya yung tipong magiging star. Yung mga katulad nina Ariel Rivera, Erik Santos, kasi nga distinctive ang boses niya. And lalaking-lalaki ha,” pagmamalaki ni Kris kay Michael.

“Iyan ang boses na napakasarap pakinggan,” ani Carmina Villaroel na siyang co-host ni Kris that day sa KrisTV.

At the end of the show – towards the closing ay pinakanta ni Kris si Marion Aunor ng napakagandang version nito ng “Just Give Me A Reason” and requested Michael na baka puwedeng makipag-duet ito kay Marion and they did so well. Nakakatuwa dahil very impromptu iyon – walang rehearsal pero naitawid nila nang maayos ang kanta.

Doon namin nakitaan ng magandang chemistry sina Marion and Michael na puwedeng mag-back-to-back o mag-team-up as singers. Yung tipong hindi loveteam pero team-up as performers.

Since malapit na ang grand finals ng Himig Handog (September 28 at the Smart Araneta Coliseum), puspusan ang promo ng mga interpreters – radio, TV guestings and mall shows – kaya hayun, nakakapagod talaga pero nakaka-excite. Nag-tape na si Michael for Mutya Ng Masa yesterday.

Ipinalabas na rin ang first part ng MYX guesting niya with Morisette Amon and bukas ay magiging special guest siya sa Aquino & Abunda Tonight bago siya tumuloy sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz na papalitan muna ni Papa Ambet Nabus dahil Papa Ahwel had to fly to Jakarta, Indonesia for the DZMM caravan.

Read more...