GRABE ang pagkakalat na ginawa ni Jessy Mendiola when she hosted the UAAP Cheerdance Competition noong Linggo.
Ang daming bloopers ni Jessy at talagang lait to the max ang inabot niya sa social media.
Kasi naman, kung anu-anong pronunciation ang ginawa niya, talagang naloka ang audience na mostly ay estudyante pa.
At one point during the program, naringgan si Jessy na nagsabi ng “without further adieu” imbes na without further ado.
Ang plaque of appreciation ay ginawa rin niyang “pleyks of appreciation”. Hindi ba’t nakakaloka ang mga pinagsasasabi niya?
Nagtatanong ang marami, ano raw ba ang natapos ni Jessy at bakit parang hindi niya alam ang kanyang spiels? Hindi ba siya na-train kung papaano i-pronounce ang mga words before she hosted the event?
Naging trending topic tuloy si Jessy sa kanyang kapalpakan. Aba, tinawag pa nga siyang “The Most Horrible Host in the entire history of any UAAP competition” sa Twitter, ‘no!
Siguro ay naloka rin ang co-host ni Jessy na si Boom Gonzalez. Mukhang aware naman si Jessy sa kanyang mga pagkakamali dahil in-acknowledge niyang sobra siyang nahirapan sa hosting job niyang iyon.
“I had so much fun hosting UAAP CDC! Pangako, kahit dumugo pa ilong ko katabi si Boom,” tweet niya. “Nobody’s perfect after all,” dagdag pa niya.