Jodi patuloy na inaalipusta ng bashers, mukha raw tomboy na magician


Dedma lang si Jodi Sta. Maria sa patuloy na namba-bash sa kanya dahil sa outfit niya sa nakaraang Star Magic Ball – isa kasi siya sa sinasabing worst dressed celebrities sa nasabing event.

Ayon sa ilang netizens, nagmukha raw tomboy na magician si Jodi sa suot niya.  “It’s okay. I don’t mind. As long as naging komportable naman ako sa sinuot ko and happy naman ako sa suit na ginawa ni Joey Samson.

Kung may mga tao na hindi nagkagusto, okay lang kasi opinyon naman nila ‘yun eh,” aniya sa interview ng ABS-CBN.
Ang mahalaga raw sabi ng aktres ay gusto niya ang kanyang damit at komportable siya rito.

“It was actually my idea na mag-suit. Basta sinabi lang namin na old Hollywood and we trust naman Joey Samson bilang batikan na designer. Maganda din and magaling ang kanyang work.

Hinayaan namin siya sa sarili niyang rendition ng outfit.”  Hirit pa niya, “Ang importante is naging masaya ako sa sinuot ko. Alam ko naman na hindi ko naman mapi-please ang lahat.”

Read more...