Ateneo nakubra ang top spot

Mga Laro sa Martes
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs UE
4 p.m. UP vs Adamson

Team Standings:  Ateneo (11-3); FEU (10-4); La Salle  (10-4); NU (9-5); UE (8-5); UST (5-8); UP (1-12); Adamson (0-13)

GUMAWA ng 33 puntos ang Ateneo sa huling yugto para pagningningin ag 68-64 overtime panalo sa Far Eastern University sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtulung-tulong sina Kiefer Ravena, Alfonso Gotladera, Chris Newsome at Von Pessumal na ibinangon ang Blue Eagles mula sa 36-55 iskor sa kalagitnaan ng huling yugto para sungkitin din ang number one spot at mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four sa 11-4 baraha.

Si Ravena ay may 12 sa kanyang 23 puntos sa huling yugto at ang dalawang free throws ang nagpatabla sa laro sa 59-all.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Tamaraws na makuha ang panalo sa regulation nang nalagay sa free throw line si Michael Tolomia sa foul ni Ravena pero sablay ang dalawang buslo sa huling 2.8 segundo ng laro.

Binuksan ng Ateneo ang overtime sa 7-2 palitan tungo sa 66-61 kalamangan at kahit nakapanakot pa ang Tamaraws sa 66-64, dalawang steals at magkasunod na splits sa 15-foot line nina Ravena at Gotladera ang nagpalasap ng ikaapat na pagkatalo ng FEU matapos ang 14 laro.

Inokupahan ng nagdedepensang kampeon na La Salle ang ikatlong upuan sa Final Four sa 68-56 panalo sa National University sa ikalawang laro.

Katabla ngayon ng Green Archers ang Tamaraws sa 10-4 baraha para maitakda ang pagtutuos sa semifinals na mauuwi sa best-of-three series.

Unang paglalabanan ng dalawang koponan kung sino ang magkakaroon ng twice-to-beat advantage.

Ang NU ang nasa ikaapat na puwesto at hihintayin ang resulta ng laro sa pagitan ng UST at UE sa Martes para malaman kung aabante na agad sa Final Four.

Read more...