Madlang pipol tutok sa halikan nina Bea at Paulo

Tinutukan ng buong sambayanan ang pinakaaabangang “The Kiss” ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Miyerkules (Sept. 10) kung kailan pumalo ang #SBPAKTheKiss episode ng national TV rating na 20.3%.

Tampok sa inabangang episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang mainit na komprontasyon nina Patrick (Paulo) at Rose (Bea) na nagpapanggap bilang si Emmanuelle, at ang hindi inaasahang halikan nila na pinagsimulan ng paghihinala ni Patrick na buhay pa ang kanyang asawa.

Ano ang gagawin ni Rose sa oras na mapatunayan ni Patrick na siya nga ang asawa niya? Maisasakatuparan pa ba ni Rose ang plano nila nina Leo (Albert Martinez) at Ruth (Susan Roces) ngayong hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman para kay Patrick?

Grabe! Bawat eksena talaga sa seryeng ito ay talagang hindi mo dapat ma-miss dahil parang laging ending na. Lahat ng artista ay magagaling, wala kang itulak-kabigin.

Hindi kailanman binigo nina Bea, Paulo, Maricar Reyes, Ms. Susan, Albert, pati na rin nina Tonton Gutierrez at Dina Bonnevie ang mga viewers.

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...