Toni mabubuntis, pero iiwan ng BF | Bandera

Toni mabubuntis, pero iiwan ng BF

- March 05, 2012 - 04:21 PM

Ayon daw sa isang manghuhula

IN fairness, na kay Toni Gonzaga na yata ang lahat-lahat! Tahimik na lovelife, bonggang-bonggang career, mapagmahal na pamilya at labs na labs talaga siya ng ABS-CBN!

Kaya ang tanong, sa sobrang kabisihan ba niya sa kanyang trabaho ay may time pa siya sa kanyang boyfriend na si direk Paul Soriano?

May bonding moments pa ba sila? Hindi pa ba nanglilimos ng kanyang time ang kanyang dyowa?

“Gaya naman ng sinasabi ko, ano naman lahat yan, effort. Work in progress ang bawat relasyon.

Mag-effort ka talaga, lahat gagawan mo ng paraan,” chika ni Toni sa presscon ng month-long special presentation ng Wansapanataym na napapanood tuwing Sabado sa ABS.

May nanghula na sa hiwalayan din daw mauuwi ang relasyon nila ni direk Paul, bukod diyan mabubuntis daw bigla si Toni at magiging isang dalagang ina.

Siyempre, may sagot agad diyan ang TV host-actress.

“Ngayon ko lang kasi na-encounter yan, but since hula lang ‘yan, puwedeng magkatotoo, puwedeng hindi.

Dalaga lang, hindi pa ina! Ano ba naman!  Siyempre kina-cast out natin ang mga ganyan para di magkatotoo. Huwag nating i-entertain ang mga negativity,” depensa ni Toni.

May lumalabas ding chika na favorite raw siya ng Dos, special treatment daw ang ibinibigay sa kanya lagi compared sa ibang Kapamilya stars.

Tulad ngayon, bukod sa gabi-gabi siyang napapanood sa PBB, binigyan pa siya Wansapanataym kung saan magbibida siya sa apat episode ngayong March.

“Walang special treatment, na-experience ko naman yung pagtrabahuhan yung mga proyekto na mayroon ako.

“Kung anuman ang mayroon ako ngayon, siyempre we’re thankful na kahit paano nabibigyan pa rin tayo ng oras, ng panahon, ng tiwala ng ABS-CBN.

“So binabalik ko naman yun sa kanila sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang maayos, nang mabuti at hindi magbibigay ng sakit ng ulo,” say ni Toni. “Basta ako, thankful ako sa ABS, thankful ako kay Sir Deo na binigay nila ang apat na Sabado ng Wansapanataym sa akin.

Alam mo naman ang buhay ng isang artista, weather-weather lang ‘yan. Minsan may mga panahon na nagkakasabay-sabay.

Sanay na rin daw ang aktres na mawalan ng shows, kaya nang mawala ang  Happy, Yipee, Yehey ay hindi naman daw siya masyadong nasaktan.

“Noong bago ako sa ABS, lima ang shows ko, kada buwan nagsasara—MRS (Most Requested Show), Entertainment Konek, My Juan and Only—sanay na ako nawawalan ng shows.

“Di na ako nasasaktan kasi na-program ko na ang sarili ko na pag may nagsasara, may nagbubukas,” paliwanag ni Toni.

Speaking of Wansapanataym, magsisimula na nga ito sa darating na Sabado, March 10 kung saan mapapanood ang episode na “Witchy Mitch” na idinirek ni Eric Salud samantalang ang “Hannah Panahon” na eere naman sa ikalawang Sabado ay sa direksiyon ni Don Cuaresma.

Makakasama ni Toni sa apat na episode ng Wansapanataym sina Guji Lorenzana, Isay Alvarez, Atoy Co, Angel Sy, Nina Dolino, Bryan Termulo, Eda Nolan, Cecil Paz, Dexter Doria at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang Wansapanatayn Presents Toni Gonzaga pagkatapos ng Deal Or No Deal sa ABS-CBN lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending