HOROSCOPE, September 13, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang  pera. Hindi masamang mamigay, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagpakitaan ng sobrang kabaitan, ang kasuyong Aquarius.  Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at  lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Virgo. Sa pinansyal, maging mabait sayong mga kasama, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Venus ang ruling planet ng Taurus. Ibig sabihin basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong sasagana hanggang sa tuloy-tuloy ng lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Pink at maroon ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Dahan-dahan lang ang dapat upang hindi madupilas ng diskarye. Wag ng ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil sa pagmamadali. Sa pinansyal sa  unti-unting pagiipon ng pera yayaman ka.  Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.”  White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Para magkaroon ng kasuyo laging magsuot ng kulay na green. Sa pinansyal, green din ang hihigop ng positibong kapalarang may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag makinig sa mga intriga. Sa isang maling balita may pagsubok na darating. Sa pera at relasyon, sa panahon ngayon marami talagang problema, kaya dapat kang magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tumulong sa mga nangangailangan,  upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong  ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Talagang mabilis nmaubos ang pera? Ilunsad mo na ngayong ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid na din. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig upang magtuloy-tulopy ang ligaya, panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Sa pinansyal, hindi dapat gumasta ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Silver at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isaisang tabi muna ang panghihina ng loob. Tanggalin ang pag-aalinlangan at ang panatiliin ay tiwala upang lumigaya ang relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan, – kayang-kaya mo namang magpayaman! Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om”. Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Taurus sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—   Mahihirapan kang mag-desisyon dahil may isang kaibigan na naman ang lalapit upang mangutang. Piliin lang ang mga papautangin, – silang may kakayahan magbayad. Sa pag-ibig, ipatago ang natitira pang pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Wag kang asa ng asa sa ibang tao. Sa sarili mong diskarte kayang-kaya mo namang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” White at yellow ang buenas.

Read more...