Mo Twister walang napala sa panlalait kay Daniel


May isang amuyong na namang super-epal sa paninira kay Daniel Padilla. Inggit na inggit siguro ang sawsawerong ‘yun dahil nadala nang buong-ningning ni DJ ang red suit nu’ng nakaraang Star Magic Ball.

Palibhasa’y malayo ang maepal na male personality, magaling itong mangutya dahil nasa ibang bansa ito, pero kapag nandito naman at walang pinagtataguan ay akala mo ito basang sisiw kapag nakokompronta na ng mga taong sinasaktan nito sa kanyang programa sa radyo.

Deadma lang si Daniel sa mapangutyang bansuting deejay, sayang nga naman ang napakahalaga niyang panahon kung papatulan niya ito, hindi kaya kutusan na lang ng kanyang mga tiyuhin ang mayabang, maangas at bahagya nang umangat sa lupang deejay kapag bumalik ito sa Pilipinas?

At magaling mangutya ang unanik na lalaki, mga sikat na personalidad lang ang kinakalantari nito sa pamimintas, halatadong nagpapapansin lang ito dahil wala nang career.

Sabi ng isang kaibigan naming nagmamalasakit sa pinakasikat na heartthrob, “Naku, itutulog na lang ni Daniel ang oras kesa sa patulan ang duwakang na lalaking ‘yun!

“Matulog din kaya pag may time ang bastos na ‘yun para kahit paano naman, e, madagdagan ang height niya?” nakakalokang komento ng tagasuprota ni Daniel Padilla.

Read more...